✔ 13th month pay
✔ Christmas bonus at incentives
✔ Long vacation leave
✔ 70% OFF on selected items
✔ Pamasko ni Ninong at Ninang
✔ Package na padala ni Ate galing Saudi
✔ Bagong rebond na buhok
Ano pa ba ang pinaka-inaabangan n’yo lately?
CLUE: Ito yung natatanggap natin twice a month,
pero minsan sa isang iglap ubos agad. Ha-ha!
Sahod tuwing akinse at katapusan.
Ito nga yung tinutukoy ko, mga KaChink.|
Madalas n’yo rin ba itong inaabangan?
Bakit nga ba minsan mas atat pa tayo dito?
“Dahil may pang-milk tea na naman!”
“Pambayad ng bills at utang!”
“Higit sa lahat… Pang-pamper sa sarili….”
Imbis na gastos ang unang pumasok sa isipan natin
sa tuwing dumadating ang akinse at katapusan, why not…
MAS MAGING EXCITED SA PAGTABI NG IPON pinaka-inaabangan
(Photo from this link)
Imbis na mamroblema tayo sa susunod na mga araw
at tatanungin ang mga sarili kung…
“May panggastos pa bang natitira?”
Bakit hindi tayo mas maging excited magtabi ng ipon
sa tuwing nakatatanggap ng sahod?
Yung dating SAHOD – EXPENSES = SAVINGS (kung may matira pa),
palitan na natin ‘yan ng SAHOD – SAVINGS = EXPENSES
Dahil ang taong may ipon,
gaano man kalaki o kaliit ang halaga,
may madudukot pa rin kung nagigipit na.
MAS PAGLAANAN ANG SHARE FOR THE FAMILY pinaka-inaabangan
(Photo from this link)
Instead of just merely thinking how we can treat ourselves
over buffet, spa, travel, and shopping,
hindi ba’t mas masarap sa pakiramdam
kung may naibabahagi rin tayo sa kanila?
Lalo na sa ating mga magulang
ang mai-share sa kanila ang katas ng ating mga pinaghirapan.
Whenever we receive our salaries every 15th and 30th,
let’s make an effort na mag-budget for a “family day.”
Hindi naman kailangan engrande.
Kahit simpleng coffee date, lunch date,
or movie date sa loob ng bahay with homemade snacks.
Ang mahalaga, aside sa pag-treat natin sa kanila,
naibabahagi pa natin ang oras makasama lang sila.
MAS BIGYANG PANSIN ANG PAG-ACHIEVE NG GOALS PINAKA-INAABANGAN
(Photo from this link)
“Para lang naman ‘yan sa mga workaholic, Chinkee!”
“Hindi ako ganyang klaseng tao, eh…”
Hindi lang naman kasi sahod
ang nagbibigay kulay sa akinse at katapusan natin.
May ibang bagay pa rin tulad ng goals at quota.
Pwede rin na sa mga araw na ito,
we try to re-evaluate how we work.
“Am I still on track sa pagtatrabaho?”
“Are my passion and purpose still clear to me?”
“Did I perform my job well? Or do I need more improvement?”
Subukan din natin tanungin ang sarili nito, mga KaChink.
Para yung sahod na nakukuha tuwing 15th and 30th ay ma-check kung deserve naman ba natin ang halaga ng sahod na nakukuha natin.
“Yung akinse at katapusan, ‘yan ang dalawang petsa na aking pinakaabangan. (Siguro ikaw din noh?)”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang unang pumapasok sa isipan mo sa tuwing akinse at katapusan?
- Mas excited ka bang gumastos o mag-ipon?
- Ano pa ang mga pinaglalaanan mo bukod sa panggastos?
=====================================================
WHAT’S NEW?
BAGONG TAON, BAGONG BUHAY
January 5, 2019 . Saturday
9 PM to 12 Midnight
via Private FB Group Live
(Manila Time)
To register, go to http://bit.ly/2P8kmEMMY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
Also available in BULK ORDERS
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqiCHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Secrets of Chinoypreneurs
Be A Virtual Professional
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife Happy LifeTo register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.