Syempre nakaka-proud naman talaga ang mga atletang Pilipino natin. Sila yung mga inspirasyon din natin para mas magpursige sa ating mga pangarap.
Kung titingnan o aalamin natin ang mga kwento nila, laging nandun ang mga paghihirap sa mga trainings nila pero kasama ang mga paghihirap na ito sa disiplina na kailangan nila.
Kaya anu-ano nga ba ang maaari nating makuhang inspirasyon mula sa ating mga atleta?
DISIPLINA SA SARILI
Walang nagwawagi nang walang disiplina sa sarili. Kaya naman naniniwala ako na kapag isa kang atleta kailangan talaga na may matinding disiplina sa sarili at buo ang loob sa ginagawa.
Kahit anong negatibo at ‘di magandang marinig at maramdaman, kailangan na may focus sa anuman ang ginagawa dahil kasama ang mga distractions sa journey. Kaya mahalaga na huwag magpadala sa mga ito
PANINIWALA SA KAKAYAHAN
May ilan akong narinig na may kapansanan pero hindi naging hadlang para lumahok sa kahit anong palakasan. Nandyan ang paninindigan nila sa kanilang tinatahak na laro.
Ang unang naniniwala sa kanilang sarili ay mismo ang kanilang sarili. Kaya mental toughness is very important kapag ikaw ay isang atleta. Bago pa natin sila hangaan, katakot-takot na emosyon ang kanilang pinagdaanan.
PAGMAMAHAL SA BAYAN
Syempre naman, napaka-fulfilling din na maging representative ng ating bansa sa kahit na anong patimpalak o palakasan. Mas lalo na kapag nagkakaisa ang ating bansa para sa pagsuporta natin sa ating mga kalahok.
Kahit anong patimpalak nga ata basta may Pilipino, talagang nandyan palagi ang ating mga kababayan para sumuporta. Kaya naman nagiging daan ang mga ito para mas magkaisa tayong lahat.
Kaya sa ating mga atleta, saludo kami sa inyo dahil sa pagtaguyod ninyo sa ating bansa. At sa ating lahat, naway maging inspirasyon natin ang mga Pilipinong atleta upang huwag mapanghinaan ng loob sa kahit na anong laban.
“Lumalaban tayo para mapalakas ang ating kakayahan
at magbigay karangalan sa ating mahal na bayan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mas nagpapalakas ng iyong loob?
- Paano mo mas pinaghuhusayan ang iyong mga kakayahan?
- Sinu-sino ang mga inspirasyon at pinagkukuhanan mo ng lakas sa buhay?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.