plot
Nakalilito minsan ang buhay.
May mga pangyayari na hindi natin akalaing mangyayari talaga. May mga taong gagawa ng mga hindi kanais-nais na bagay na hindi nating inaasahang magagawa nila.
Minsan siguro, napag-isip isip mo na rin… bakit kung sino pa mga mabubuting tao, sila pa ang minamalas? Bakit tayo sinasaktan ng mga taong mahal natin? Bakit inaabuso ng iba ang kabaitan natin?
LIFE DOESN’T MAKE SENSE, SOMETIMES plot
It’s confusing. But you know what?
The things that are hurting you now will soon heal you.
Your burdens right now will soon turn into life lessons you could carry in the future.
TWISTS AND TURNS plot
Everything happens for a reason, ika nga. Madaming twists and turns ang istorya ng buhay natin. Pero lahat iyon ay may dahilan at may kapalit na mabuting bagay.
Hindi naman kasi puro addition lang ang buhay, hindi rin palaging may final answer. Hindi math problem ang buhay na palaging may exact equation kang magagamit para ma-solve ang problema mo.
Makulay ang buhay. Hindi ito pure black and white lang. Life is full of different colors, different emotions, different happenings. Pwede tayong ma-surprise, pwede tayong ma-ambush, pwede tayong mabigla sa mga nakaabang na pangyayari. These situations can be too much to handle, or too beautiful to forget.
WE NEED TO KNOW HOW TO SURVIVE plot
Kahit pa ang daming pagbabago ang maganap sa buhay, kailangan nating matutunan how to adapt to it. To adapt is to change some things, grow and evolve for the better. Kailangan natin matutunang bumangon kapag nadapa, magsimula muli kapag napunta sa laylayan, ngumiti muli matapos umiyak.
Kaya kalma ka lang. ‘Wag ka magmadali, ‘wag mo habulin o ipilit ang mga bagay-bagay na gusto mong mangyari. It will come to you in time. Kung hindi man, something better will come instead.
I-enjoy mo lang ang bawat kulay ng buhay. Hayaan mo lang ang bawat plot twist. Enjoy the ride and learn as much life lessons as you can. Life is a wonderful journey, anyway.
“Kailangan nating matutunang tumayo sa sarili nating mga paa.
Para anumang hamon ng buhay ang dumating, makakayanan natin.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY. plot
- Ano ang mga plano mo sa buhay 10 years ago?
- Natupad mo naman ba ang mga plano na iyon?
- Paano mo haharapin ang mga susunod na hamon na darating sa iyong buhay?
———————————————————–
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.