Minsan ka na bang nasabihan ng:
“Ano ba yang suot mo??”
“Baduy mo ah!”
“Gumasta ka naman, yung may brand!”
Para sa mga hindi pa nakakikilala sa akin,
majority po ng aking mga damit ay
Black and white lang.
Black or white t-shirt.
Sa long sleeves, panay black lang.
Lahat dun lang naglalaro
sa dalawang kulay lang na iyon.
Sa sapatos naman, basta lumagpas
na ng P2,500, hinayang na hinayang na ako.
Kaya minsan, napupulaan din.
Pero di ba’t mas maganda na yung:
- Simple
- Ukay-ukay
- Brandless
…pero may laman ang pitaka?
Kaysa nagsusumigaw nga ang brand,
kilala at uso nga ang ating isinusuot
pero utang naman pala.
Mas hindi ito katanggap-tanggap.
Bakit?
MAPORMA NGA, WALA NAMAN PAMBAYAD
(Photo from this Link)
Problema sa atin minsan
wala tayong tigil mag-swipe ng mag-swipe o
manghiram ng manghiram ng pera
pero pagdating ng bayaran
wala naman pa lang budget para doon.
So ang ending,
maganda nga ang ating mga gamit,
sobrang sakit naman ng ating kalooban.
Dahil hindi natin alam paano ito babayaran.
Hindi lang kalooban, masakit din pati
bulsa, ulo, at tenga dahil hindi tayo titigilan
ng mga naniningil.
MAPORMA NGA, PERO MALI ANG INTENSYON PORMA
(Photo from this Link)
Okay lang naman bumili ng mamahalin
basta ba may budget, sige, go for it.
Pero ano ba ang intensyon?
To feel good about ourselves or
para may maipakita lang sa ibang tao?
Nandyan yung isusukbit ang bag sa kamay
Pero dapat NAKAHARAP ANG BRAND
para kita sa picture
at ng ibang taong makakasalubong.
Bibili ng mamahaling gamit
pero dapat NAKA POST SA FACEBOOK
Sabay #blessed or #iDeserveThis.
Mamimili ng mamimili ng damit
pero dapat kapag sinuot
MAPICTURE-AN ANG “OOTD”
Bakit?
Anong intensyon?
MAPORMA NGA, HINDI NAMAN BAYAD ANG BILLS PORMA
(Photo from this Link)
Ke-gaganda nga ng pormahan
pero past due naman sa credit card,
bayad sa kuryente, o tubig.
Aanhin natin ang ganda ng kasuotan
kung hindi naman natin natututukan
yung mga dapat natin i-prioritize.
Unahin muna yung mga dapat unahin.
And when it’s done, that’s the time
to check kung may extra money pa ba.
Di bale nang dukha ang porma basta may laman ang pitaka.
Kaysa sa mukhang mayaman ang postura, pero ipinangutang lang pala.
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay ma-branded o simple pero may laman ang pitaka?
- Kung ikaw man ay bibili, anong intensyon?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“5 D’S TO SAVING SUCCESSFULLY ”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2BAf9D0
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT BUY ONE TAKE ONE IS BACK!
2 Moneykits + 16 Books
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.