Allow me to deviate from my regular series of money and inspiration and start a series of blog entries inspired by the State of the Nation Address of our good president, Pres. Rodrigo Roa Duterte.
I just find it revealing and enlightening. I also want us to learn and pick up great lessons from his speech.
At long last, hindi lang naman ang mga maliliit at walang kapangyarihan ang mananagot sa mga maling gawain – pati na rin ang mga mayayaman at makapangyarihan na ginagamit lang ang kanilang tungkulin at kayamanan para manlamang ng kapwa.
These are the very words of our good president,
“Let me say clearly that those who betray the people???s trust shall not go unpunished, and they will have their day in court.“
Walang lusot, ‘ika nga. Lahat ng nagkasala at sumira sa tiwala ng taong bayan ay siguradong mapaparusahan.
At ‘yan na nga ang nangyayari. May pinangalanan na ang ating Presidente na mga nanunungkulan sa gobyerno, sa kapulisan, at sa judiciary.
It’s good to know that we have a leader who is willing to do what is right, rather than be a populist and just conform to what others think is right.
Alam na alam natin na may ilang pinuno natin ang talaga namang hindi pinahahalagahan ang tiwala ng bawat mamamayang Pilipino. Kaya naman, gusto silang panagutin ng Pangulo – hindi na makakalusot at siguradong pagbabayaran ang kanilang mga nagawang kasalanan.
Pero bago natin husgahan ang mga taong nagkasala sa bayan…
Minsan sa buhay natin, nagkamali rin tayo. We also make poor choices at minsan, kahit alam nating mali, ginagawa pa rin natin ito. But one thing is for sure, the wrong things that we’ve done will surely have a string of consequences.
Ano ang pwede nating matutunan sa pagkakataon na ito?
YOU REAP WHAT YOU SOW.
Nagtanim ka ng patatas, aani ka ng patatas. Don’t expect na aani ka ng kamatis. The same is true in our lives. Nagtanim ka ng kasamaan, aani ka ng masama. Nagtanim ka ng kabutihan, aani ka ng mabuti. Lahat ng ginagawa natin ay maaaring bumalik as a reward or a consequence. You choose. Some may even say it is “karma”, but I say “you reap what you sow”.
WE ARE ACCOUNTABLE FOR OUR OWN ACTIONS.
Tayo ang gumawa ng mali, tayo ang mananagot. Hindi natin maaaring isisi sa pagkakataon at sa ibang tao ang nagawa nating kasalanan.
“Pinilit lang naman ako.”
“Wala akong magawa.”
“Kung hindi ako makikisama, papatayin nila ako.”
“Maliit lang kasi ang sweldo ko, kaya ko ito nagawa.”
We need to remind ourselves, no matter what our excuse may be, choice natin ito. Kung ayaw nating mahusgahan at maparusahan, huwag tayong bumigay sa tukso at gumawa ng mali.
THE CONSEQUENCES OF OUR MISTAKES ARE NOT IMMEDIATE.
It takes time. It takes time to plant and it also takes time to harvest. Hindi porke’t nakalusot ka sa umpisa, makakalusot ka na palagi. Feeling kasi ng mga nakakalusot, ito’y parang wala nang katapusan. Tandaan, pwedeng ikaw ang nasa pwesto at may kapangyarihan. Pero darating ang panahon na ikaw ay mawawala sa kapangyarihan. At tandaan, kung ano ang itinanim, ito ang ibubunga. Darating rin ang panahon na lalabas ang katotohanan at doon na tayo sisingilin ng lubos.
Kaya kapatid, bago ko tapusin itong blog na ito…
Sikapin natin na sumunod sa batas, kahit hindi sumusunod ang iba.
Sikapin natin na magsabi ng totoo, kahit nagsisinungaling ang iba.
Sikapin natin na gumawa ng tama, kahit ito ay napakahirap.
Hindi na baleng maghirap, basta mabuhay lang ng tapat at kaysa yumaman na gumagawa naman ng kamalian.
THINK. REFLECT. APPLY.
Anong masasabi mo sa statement na ito ni President Duterte?
Minsan na bang nasira ang tiwala mo sa isang tao?
Anong mararamdaman mo kapag hindi naparusahan ang mga dapat parusahan?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? Here are some other related posts:
- SAAN NAKALAGAY ANG IYONG TIWALA?
- Mahirap Pagkatiwalaan ang hindi mapagkakatiwalaan
- Mapagkakatiwalaan Ka Ba?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.