Pasko na naman! Kabi-kabila na naman ang mga Christmas decors sa bawat kanto, at mga holiday sales sa bawat shops, online man o sa mga malls.
Pasko na naman! At ‘di natin maikakaila na ang gift-giving tradition ay talagang highlight sa panahong ito.
IT’S THE SEASON OF GIVING
For sure meron ka nang listahan ng mga pagbibigyan mo ng regalo at kung saan ka makabibili ng mga iyon.
Tayong mga Pinoy, we like giving presents sa ganitong panahon. Galante tayo. Dito tayo nakababawi sa pamimili ng mga branded na bagay pang-regalo.
Wala namang masama magbigay ng Christmas presents lalo kung afford naman natin at kung buong puso ang pagbibigay. Pero sana ‘wag natin kalimutan kung ano talagang mas importante sa buhay.
PRESENCE OVER PRESENTS
Sana alam natin na higit sa mga materyal na bagay, mas makapagbibigay saya pa rin pag kasama tayo ng mga mahal natin sa buhay. Kapag sabay sabay tayong magbubukasan ng mga regalo, kapag sabay sabay tayong magngingitian, magtatawanan, at magpapasalamat sa mga natanggap natin. Kapag mayayakap natin ang pamilya at mga mahal natin sa buhay.
OKAY LANG KAHIT HINDI BONGGA!
Kahit hindi branded at bongga ang regalo nating materyal na bagay, walang mas papantay sa mga alaalang mabubuo kapag magkakasama tayong nag-celebrate ng pasko.
This season should be a great time to be with each other’s presence.
Kaya sana habang nakapila tayo sa pagbili ng mga regalo o habang hinihintay nating ma-deliver sa atin ng online shop ang orders natin, maalala sana natin na ang mga bagay na ito ay isa lamang paraan para mapakita natin na naalala natin sila ngayong pasko. At sana maalala pa rin natin na maging present sa buhay nila ngayong panahon na ito.
Madaling makalimutan ang mga regalong natatanggap tuwing pasko, pero maaalala’t maaalala natin kung sino ang kasama natin sa pag-celebrate nito.
“Presence over presents. Mas mahalaga ang masayang alaala ng kapaskuhan
kasama ang mga mahal natin sa buhay kaysa anumang materyal na bagay.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY
- Excited ka na ba sa pasko?
- Sino ang mga kasama mong mag-celebrate?
- Paano ninyo ice-celebrate ang kapaskuhan?
—————————————————
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: Chinkee Tan
YouTube channel: Chink Positive
Instagram: @chinkeetan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.