“Lord, ayoko naaaaa!”
“Hindi ko na kaya ‘to!”
“Gusto ko ng mawala sa dami ng problema!”
Minsan mo na bang nasabi ang mga linyang ito?
Sa dami ng problema, yung iba sa atin
parang ayaw na mabuhay.
Ayaw ng gumising pa dahil
ang sasalubong lang ay problema
- Nahuli si mister na nangangaliwa.
- Natanggal sa trabaho.
- Nalugi ang negosyo.
- Naloko ng business partner.
- Na-scam ng kaibigan.
Ganito kabigat ang pwede
maranasan ng isang tao kaya
it is understandable na makaramdam
ng galit, lungkot, o inis sa buhay.
Pero KaChink,
hindi ito ang solusyon.
Sabi nga habang may buhay, may pag-asa.
All of these are temporary.
Kailangan lang pakalmahin ang isipan
para mas maging malinaw sa atin
kung paano ito haharapin.
Allow me to give you some tips:
SOLVE THE PROBLEM
(Photo from this Link)
Yes. Face and solve it.
Walang mangyayari kung mabubuhay tayo sa
reklamo at imagination na “sana hindi ito nangyari”.
We can’t reverse it anymore,
Ayan na eh, nangyari na.
Once na nahimasmasan na,
list down the possible options.
Kung kailangang may kausapin,
lapitan, o hingan ng tulong,
go ahead.
Alam naman natin kung
anong makabubuti at tama.
Kung hirap mag decide,
again, lumapit sa taong pwedeng
gumabay sa atin.
CUT THE PROBLEM & SOLUTION IN SIZES
(Photo from this Link)
Ang problema, malaki na ‘yan to begin with.
Kaya minsan pakiramdam natin
nakaka-overwhelm na para bang wala ng solusyon.
Pero tulad ng isang buong pizza lang ‘yan,
Kailangan hatiin to 8 -12 slices
dahil hindi naman natin makakain ng buo ito.
Halimbawa:
Kung nalulugi na ang business,
identify the possible causes:
- Problema ba sa tao?
- Kulang sa marketing strategy?
- Mamigay ng fliers o Online ads?
- Hindi gaano natututukan?
Kung natanggal sa trabaho,
Anong pwedeng next step?
- Update ang resume para apply kagad?
- Gamitin ang nakuhang pera pang business?
Tutulungan si misis magtinda?
Take one step at a time.
Para mas madali solusyunan
at makaisip ng next move.
HUWAG MO SOLOHIN
(Photo from this Link)
Ang Avengers nga nagsama-sama
para labanan si ________…
(ayoko maging spoiler haha)
Ang isang CEO nga ng kumpanya
naghire ng empleyado para tulungan siya patakbuhin ito…
Ang kotse nga
kailangan ng gulong at makina para tumakbo…
kasi ibig sabihin, we can’t do it ALONE.
Kahit pa gaano tayo katapang,
kalakas ang loob, o ka-powerful,
darating at darating ang oras na
kailangan na natin ng back up.
Sa asawa, kamaganak,
kaibigan, o mentor,
kahit sino pa, okay lang para
gumaan ang ating dinadalang problema.
“Walang problema na mahirap lutasin, sa taong may pangarap at nais marating.
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong problema ang iyong dinadala ngayon?
- Paano mo ito hahati-hatiin?
- Kanino ka na nakalapit para humingi ng tulong?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
UPCOMING SEMINAR
RAISING MONEYWISE KIDS PRESENTS:
“HOW TO RAISE ENTREPRENEURIAL KIDS IN 10 EASY STEPS”
Live Event: http://bit.ly/2FoZSD1
Team Bahay/ Team Abroad: http://bit.ly/2r5XaOb
=====================================================
IPON KIT (Ipon Can + My Ipon Diary Book)
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit P300 +100sf
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“MASAMA BA ANG MAGPAUTANG?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2rpJ7ma
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.