Uy
Wala ng
Pwede ng late matulog at
late gumising.
Kadalasan, ano ba ang mga ginagawa natin
kapag bakasyon?
- Naglalaro sa labas?
- Naglalaro sa cellphone o kompyuter magdamag?
- Nakahilata lang sa kama?
- Unli movie watching?
Sarap noh? Walang iniintindi.
Pero ang tanong,
Nagiging productive ba tayo
sa ganitong mga gawain?
“Bakasyon naman namin eh!”
“Isang taon nag-aaral tapos papagurin pa dito sa bahay?”
“Di n’yo alam ang hirap namin”
Oo naman, bilang magulang,
Alam na alam namin ang hirap ng nag-aaral.
and we want you to take a break but also to become PRODUCTIVE.
Gaya nga ng lagi kong sinasabi,
Strike while the iron is hot.
Habang energetic pa tayo at
fresh pa ang ating mga pinag-aralan,
it will be a good idea to put it into good use.
Paano at ano ang pwede nating gawin?
MAG SIDELINE PARA MAGKA EXTRA INCOME
Imbis na ma-hook tayo sa internet, nanunuod
lang naman at naglalaro, gamitin na lang natin
yung internet to look for a part time job online.
Kung meron naman tayong mga kilalang
naghahanap ng gusto mag sideline sa kumpanya nila
tulad ng secretary, encoder, writer,
graphic artist at marami pang iba,
apply lang ng apply.
You know why?
Aside sa kikita tayo ng extra
nagkakaroon ng improvement ang ating skills.
Yung mga hindi natin alam gawin,
aba, kaya pala natin.
TUMULONG SA GAWAING BAHAY
Uy, galaw galaw.
Yung mga inaalikabok na kisame…
Mga magulong lagayan ng mga damit…
Maduming mga pinggan at pinaglutuan…
Kalat na kailangan na walisin…
Baka naman pwedeng tayo na ang gumawa
imbis na inaasa natin parati kay Nanay o
sa ating mga kasama sa bahay.
“Grabe effort!”
“Hala,
Alam n’yo bang mas gagaan ang
gawain sa bahay kung tutulong tayo?
Mas gagaan din ang loob nila
kasi nakikita nilang tayo ay responsableng mga anak.
Hindi naman natin ito gagawin para mahirapan,
it teaches us a lesson.
Tinuturuan tayo maging accountable sa bawat kilos natin,
maging masunurin, at maging sensitive sa paligid.
When reality strikes, magagamit natin ito.
TAKE THIS TIME TO THINK ABOUT YOUR FUTURE
Ano ba gusto mong mangyari sa buhay mo
pagdating ng panahon?
Makapagsulat ng libro?
Ma-employ sa top companies?
Come on! Mangarap tayo!
Libre naman ‘yan.
Don’t settle sa pahiga higa lang
at hayahay ang buhay.
Umaandar ang oras.
Lumilipas ang panahon.
Huwag nating sayangin ito.
“Walang mararating ang palaro-laro at pahila-hilata lang. Maging kapaki-pakinabang para maging maganda ang kinabukasan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong plano mo ngayong bakasyon?
- Paano ka kaya magiging productive para hindi sayang ang oras?
- Willing ka bang kumilos at matuto?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.