Every now and then, nadidinig natin ang tanong “What’s your purpose in life?”. At tuwing madidinig natin ang tanong na iyon, we often don’t have an answer.
Some people take decades para malaman nila ang kanilang purpose sa buhay. Some people fail, some succeed, at meron namang iba na alam na ang kanilang purpose ngunit nada-divert sila mula rito.
Bakit napakahalagana kailangan natin maunawaan kung ano ang ating life’s purpose? Here are 3 things I learned in life na maaaring makatulong sa inyo:
KNOW YOUR PURPOSE
In order for you to really know your purpose in life, kailangan alamin mo kung ano talaga ang gusto mo sa buhay because it’s so hard to go through life without knowing your purpose.
If you don’t have a purpose in life, you will not have any direction in life. Ang iyong purpose ang magsisilbing motivation mo sa tuwing makararanas ka nang matinding pagsubok.
Kung ang purpose na iyon ay hindi sapat to make you work hard, then clearly, you’re pursuing the wrong purpose. When you know your purpose in life, mas meaningful ang iyong existence dahil alam mo kung sino at ano ka, saan ka nanggaling, at saan ka papunta.
MAXIMIZE YOUR PURPOSE
Kailangan pagbutihan mo kung anuman ang ginagawa mo. Hindi porke nahanap mo na ang iyong purpose sa buhay ay magpapabaya ka na. Tandaan, hindi ka nakasisigurado kung kailan ka mamamatay kaya mabuting i-maximize mo na ito para walang pagsisisi sa huli. Live your life to the fullest.
GIVE AWAY YOUR PURPOSE
I-share mo ang purpose mo sa ibang tao. Importanteng malaman na ang ating purpose ay hindi ganap na maipahahayag hanggang makahanap tayo ng dahilan upang maibahagi ito sa iba. Hindi natin mahahanap ang totoong kahulugan sa buhay nang hindi nakakonekta ang ating sarili sa isang bagay na mas malaki pa kaysa sa atin.
When you live your life with a sense of purpose, nagsisimula kang mabuhay ng positibo at magsimula ka maghanap ng new opportunities.
“In order for you to really know your purpose in life, kailangan alamin mo kung ano talaga ang gusto mo sa buhay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nahanap mo na ba ang iyong purpose sa buhay?
- Paano mo mina-maximize ang iyong purpose?
- Ano ang mga ginagawa mo para mai-share mo ang iyong purpose?
Watch this video to learn more:
KATOTOHANAN SA LIKOD NG PAGYAMAN NA DAPAT MONG MALAMAN
Click here:https://www.youtube.com/watch?v=uJPM6ReH7Mg&t=275s
RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST:
Invest and do the right thing.
Click here https://lddy.no/8vaq
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.