Meron ka bang tinatawag na QUIET TIME?
Ito yung time sa sarili mo para mag-isip,
magmuni-muni, kumalma, at ihanda ang sarili
sa bagong araw na kahaharapin mo.
“Nako Chinkee wala akong time sa ganyan.”
“Kulang na oras ko para mag quiet time.”
“Hmm, hindi na siguro. Hindi naman importante ‘yan.”
Alam n’yo mga KaChink,
sa bawat araw, punong puno na ang isip natin
ng iba’t ibang mga alalahanin.
Nandiyan ang trabaho, traffic, pressure sa boss,
problema sa utang, o pera in general, o kaya,
problema sa pamilya.
Masyado ng mabigat.
Kapag hindi natin binigyan ng time-out
ang ating mga sarili, mapupuno tayo
at masasagad. Wala kasi tayong outlet
na ginagawa para mailabas o huminga man lang.
Hindi naman natin tatakasan ito,
pahinga lang saglit.
Allow ourselves lang to breath and think
para kapag nahimasmasan na,
balik uli tayo sa hamon ng buhay.
How do we do this?
READ THE BIBLE AND PRAY quiet
(Photo from this Link)
Kung ang trabaho nga natin, problema,
at ibang tao ay nabibigyan natin ng oras,
si Lord pa kaya?
Kahit gaano pa karaming energy drink,
kape, o tsokolate ang ating inumin at kainin,
NOTHING and NO ONE can
give us the strength that we need kundi si Lord lang.
Talk to Him.
Pray na bigyan tayo ng lakas,
mahabang pasensya, at wisdom
para makapag-isip ng maayos.
Nang sa gayon, magawa natin
ang dapat gawin with His help and
according to what He wants to happen.
KAPAG BREAK TIME, BREAK TIME quiet
(Photo from this Link)
Alam n’yo minsan yung sa sobrang
workaholic natin, ultimo break time
o lunchtime ay may bitbit tayong papeles,
hawak ang telepono dahil nagsesend ng email,
o kaya minsan pa nga, hindi na talaga kumakain?
Ang trabaho, gabundok ‘yan talaga.
Kahit hindi tayo kumain o bitawan man
natin ang mouse ng computer,
hindi naman mauubos ‘yan.
Kaya use this time to energize.
Ito na lang kasi yung time natin during the day na
sarili muna natin ang iisipin natin —
anong kakainin? 15 minutes nap time?
Kahit ano, basta sarili muna.
Para pagpatak ng oras ng trabaho
handang handa na naman sumabak na
busog ang tiyan at relaxed ang isipan.
FEED YOUR MIND WITH SOMETHING RELAXING quiet
(Photo from this Link)
Kapag uwi at nakakain na,
isipin kung ano pa kaya pwede nating gawin
na makabuluhan?
Halimbawa, trip nating mag cellphone,
imbis na tignan isa-isa yung pictures ng
kaklase natin na nagbabakasyon sa beach,
magbasa ng mga articles.
Imbis na pagchismisan yung
kaibigan ninyong natanggal sa trabaho,
pag-usapan n’yo kung paano ba mag-ipon,
ano ba yung mutual fund, o stock market.
Imbis na manuod ng mga palabas na
wala naman tayong mapulot na aral,
gawin natin yung hobby na matagal na
nating gusto simulan.
Madami tayong pwedeng gawin
during our quiet time pero dapat
nating sulitin para hindi masayang
ang mga sandali na pwede tayong may
matutunang bago.
“Bago pa isipin ang trabaho at problema, DAPAT si Lord ang nauuna.
Dahil Siya ang magbibigay ng lakas at linaw ng isip sa mga bagay na ating kahaharapin.”
-Chinkee Tan, FIlipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Tuwing kailan ang iyong Quiet Time?
- Si Lord ba nauuna, o kapag naaalala lang?
=====================================================
IPON KIT
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit 450 +100sf
1 Ipon Can + 1 Ipon Diary + 1 Diary of a Pulubi
Or
4pcs Ipon Can + 4pcs My Ipon Diary + 4pcs Diary of a Pulubi
P1,200 FREE SHIPPING!
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“3 THINGS THAT YOU NEED TO LEARN TO INCREASE YOUR KNOWLEDGE ABOUT SAVINGS ”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2lNkrkX
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.