Nagiging kapampante ka ba kapag nakakasanayan na ang isang bagay o isang tao sa buhay mo?
Maging sa mga kaibigan na matagal na nating kilala, hindi maiiwasan to take them for granted.
What more sa ating asawa.
Masyado na tayong sanay na nandiyan lang sila kaya minsan umaabot sa punto na nakakalimot na tayong pahalagahan ang relasyon.
Sa mga panahong nangyayari ito, keep in mind these things:
REMEMBER OUR VOWS
(Photo from this Link)
Tayo ay sumumpa sa harap ng Panginoon at sa mga taong malapit sa atin.
Sinabi natin na:
“…to have and to hold, from this day forward, for better or WORSE”
This might be one of those days na masasabi nating pinaka-mabigat na pinagda-daanan ng ating pagsasama.
Pero kapag binalikan natin ang pangako na magpakatatag, kakayanin ito.
RESPECT ONE ANOTHER
(Photo from this Link)
Yes, may nasaktan.
Merong hindi pagkakaintindihan..
Pero this does not give us the license to deliberately hurt our spouse.
Hindi sagot ang pagpapahiya.
Hindi solusyon ang paninira.
Wala din nananalo dito.
Hahaba ng hahaba lang ang usapan at ang gulo.
If we want to fix the relationship and be treated with respect kailangan ipakita natin ito sa isa’t-isa.
PRAY FOR ONE ANOTHER
(Photo from this Link)
Obviously, the relationship is on the rocks pero walang impossible sa Panginoon.
He can put things back to where they should be.
He can heal wounds.
He can change our hearts.
“Ilapit sa Panginoon ang problema sa asawa. Magtiwalang poprotektahan Niya ang mga taong pinagsama.”
-Chinkee Tan, Wealth Coach Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kamusta kayong mag-asawa?
- How do you treat one another kapag may problema?
- Is God at the center of your marriage?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.