Sabik ka na bang..
Makita ang mga mahal mo sa buhay?
Mayakap at mahagkan sila?
Makausap at maka-salamuha sila?
Grabe! Yan ang naramdaman ko sa sampung araw akong nanatili sa Dubai. This is one of my longest trips I’ve been on without my kids. Grabe yung feeling na hindi mo nayayakap at nahahawakan physicallyyung mga mahal mo sa buhay.
Kasama ko man si misis sa biyahe, Miss ko pa rin sila. paano pa kaayo ang mga kababayan nating ilang taon nang hindi nakaka-uwi dahil kulang sa pamasahe.
Kahit sabihin mo na HIGH TECH na tayo at may Skype, FB, Viber or Messenger, iba pa rin yung HIGH TOUCH, na mahahawakan at mahahagkan mo sila.
Mahirap yakapin at hagkan ang screen. Walang siyang init at hindi mo mararamdaman yung hug.
Kaya pala ang daming naka-relate sa Aldub noong sila ay nag umpisa at nag-uusap sa splitscreen. Kasi ang dami nating mga kababayan na yan ang ginagawa araw-araw, gabi-gabi, sa screen lang sila nag-uusap.
Nakakaiyak na isipin kung ano ang sakripisiyo ang ginagawa ng ating mga kababayan para maibigay ang mas magandang kinabukasan para sa pamilya. Lahat ay gagawin para makapagpadala lang.
Kaya’t para sa mga may kamag-anak na nagtratrabaho sa abroad, gawin natin lahat para maipadama sa mga magulang, kapatid at anak kung gaano sila kahalaga at ka-importante sa inyong mga buhay. Let us be reach out to them. Tayo na ang mag-effort na mag send ng mga messages at tumawag. Ipakita natin kung pagmamahal at appreciation na ginagawa nila para sa pamilya. Iyan na lang ang pwede natin isukli sa kanilang sakripisiyo.
“Okay lang, magutom, mapagod, mangulila at magsakripisyo.
Lahat ay gagawin alang-alang sa PAMILYA.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- When was the last time you called your loved one working abroad?
- Napadama ba natin ang ating kasabikan at pagmamahal sa kanila?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.