Maraming bagay ang nagpapalungkot sa atin at
parang kinukuha ang ating kaligayahan.
Pero may paraan nga ba para makaiwas dito?
Ang sagot: Wala. Haha! So bakit pa
ako gagawa ng blog ‘di ba? Kung depress ka
tapos wala naman palang paraan para makaiwas.
I would still encourage you to read and finish this
short blog dahil maaaring nandito ang dahilan
kung bakit mo nararamdaman ‘yan ngayon.
So bakit nga ba malungkot ang isang tao?
DAHIL BA SINGLE?
“Yun talaga ang unang reason mo Chinkee?
Tinamaan naman ako agad.”
Well, wala naman akong gustong patamaan dito.
But as I observed, may mga taong masaya dahil sa
marriage or relationship, at may mga taong masaya
rin dahil single na uli at hindi na sila magkasama.
So possible nga ba ito? My answer would be yes.
Kung ang relasyon na mayroon tayo ay hindi na
healthy at puro sama na lang ng loob ang dulot…
Then being “free” could be your way to happiness.
So whether you are married or single, for as long as
you feel less stressed and less problematic, then…
You can be happy. So wala talaga ito sa status natin.
Kundi nasa relationship na binubuo natin kasama
ang ibang mga tao na nakapaligid sa ating buhay.
So bakit ka uli malungkot?
DAHIL WALANG PERA?
Naku! Problema nga ‘yan. Haha! So nabibili nga ba ng
pera ang kaligayahan? I’m sure many would answer: No.
Pero may kilala ka bang malungkot dahil may pera?
Ok parang confusing ‘di ba? Bakit may ibang mga tao na
kahit nakukuha naman nila ang gusto nila ay hindi pa rin
satisfied at hindi pa rin naman talaga masaya?
So simple lang ito, whether may pera or wala, the way we
spend is actually what makes us happy or sad, satisfied
or unsatisfied. Gets’ nyo?
Noon wala kang pambili nito, ngayon mayroon ka nang
pambili nito. Pero bakit parang ‘di ka pa rin satisfied?
Now try to buy something then give it to another person…
See how you can make that person happy and see
how satisfying you could feel. Kaya minsan, ‘wag din
puro sarili lang natin ang isipin natin. Think of others din!
So what other reason that could make you feel sad?
DAHIL STRESS SA WORK OR SCHOOL?
Kung walang trabaho, nakaka-stress. Pero ngayon na may trabaho na,
stress pa rin? Ang dami nating ayaw sa mga ginagawa natin at
pati sa mga co-workers natin.
Kung hindi nakapag-aral, nahihirapan maghanap ng
trabaho. Pero yung mga nag-aaral sa school, tinatamad
naman mag-aral. So ano talaga ang problema?
Minsan malungkot tayo dahil hindi natin ma-achieve
ang mayroon ang iba. Nalulungkot tayo dahil gusto
rin natin ng approval at acceptance mula sa iba.
Ang gusto ko lang ipakita dito, ang kailangan natin
ay malaman ang main source ng ating nararamdaman.
Yung totoong dahilan kung bakit tayo malungkot.
Hindi lang sapat na nararamdaman natin ito nang
hindi natin ina-address at hindi natin inaalam kung
paano dapat i-handle at hanapan ng solusyon.
“Walang immunity sa kalungkutan,
pero laging may paraan para sa kaligayahan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang sources ng kaligayahan mo?
- Bakit ka nakararamdam ng kalungkutan?
- Paano mo hinaharap ang nararamdaman mong kalungkutan?
—————————————————————————————————–
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.