Napanood mo ba ang commercial ng Jollibee, title “VOW”.
Click here https://bit.ly/2khKUJ5
Hindi siya ang pinakasalan.
Hindi siya ang mahal.
Dapat ang title nito ay #teamsawi. Ang saklap diba? Ang sakit.
Iba’t-iba ang mga reaksyon ng mga tao.
Sa totoo lang, nainis ako!
Nag-flash back tuloy yung nakaraan ng karamihan ng mga nanliligaw.
Ikaw ang gumising ng maaga para sabayan siya sa pagpasok sa eskwela.
Ikaw na ang nagbubuhat ng mabibigat niyang libro.
Dinadamayan mo siya tuwing may problema si girl.
Ikaw pa ang sumusundo at napupuyat para ihatid siya pauwi.
May dumating lang na iba, wala ka na!
Akala mo kayo, umaasa ka! Pero friends lang pala kayo!
Hayyyy! Grabe! Sakit talaga!
#hugot
Sa totoo lang, maraming naiyak at naawa sa lalaki.
Ang lakas din ng tama sa mga kalakihan.
Because once upon a time, nakaranas ng “BASTED
O “FRIENDZONED” para sa mga millennials.
Ito naman ang insights ko sa commercial na ito.
Para sa atin mga kalalakihan.
Unsolicited advice ito…
BE MAN ENOUGH (MAGPAKALALAKI TAYO)
Huwag tayong matakot at mahiya na ilabas ang tunay nating feelings.
Huwag idaan sa pagpaparinig. Ihayag nang maayos ang iyong intention.
“Ano ba ito, may gusto ba ito sa akin o friendly lang siya.”
Hindi lahat ng babae may mahilig mag- assume. Habang ang iba naman ay hindi confrontational at bold enough to ask kung ano ba talaga ang intention mo. Siyempre, ayaw din naman ni girl mapahiya.
This is what I told my yung sinabi ko sa misis ko noong nagustuhan ko siya, “Maganda ang intensyon ko sayo, I feel happy whenever I get to see you, would you grant me the permission to know you better in a more personal way?”
So right from the start, alam ng misis ko yung intensyon ko.
Hindi kami naghuhulaan at nagpapakiramdaman.
Guys, be man enough na magsabi right from the start.
Kung hindi magtanong si boy, yan ang magiging ending mo, tulad ng commercial na napanood natin, #SAWI.
“Kamusta ang iyong love life this Valentines? #SAWI o #WAGI?
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ano ang na realize mo sa blog na ito?
- Ano din ang natutunan mo sa commercial na ito?
- Please share your feelings and thoughts.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.