Para sa mga nagpautang at hindi nabayaran
ito siguro ang gusto mo sabihin sa sarili mo ngayon.
Tawagin natin itong… “DEAR SELF”
Dear self…
“Sana ngayong 2018, hindi na ako
masyado maging maawain.
Sa dami ng taong napautang ko
nitong nagdaan na taon, ako ngayon
ang naghihirap maghagilap
dahil hindi na nila ako binayaran.
Tinakasan at hindi kinausap na
parang wala lang.
Hindi na sila nag-abalang magbayad
na para bang nagka-amnesia.
Yung naipon ko ng ilang buwan o taon
nawala na ng parang bula.
Sayang. Sayang talaga.
Hindi lang pera kundi tiwala din ay nawala.
Biruin mo, ang tagal tagal na namin magkakilala.
Matalik na kaibigan na tinuring kong parang pamilya.
Sa mga nakaka-relate diyan,
baka yung iba sa inyo ay kamag-anak n’yo mismo.
Oh well ganoon talaga.
Tayo’y naawa lang naman.
Bukal naman sa loob natin ang tumulong
kaso ‘di naman natin akalain
na mangyayari ito.
Kaya sa taong ito
I learned my lesson…”
“HINDI NA AKO MASYADO MAGIGING MAAWAIN.”
(Photo from this Link)
Hindi na ako magpapadala.
Naaawa man ako, pero iko-consider ko din
na nakakaawa din ako ‘pag di ako nabayaran.
Ako ang mawawalan, ako ang mahihirapan.
Don’t get me wrong.
Okay lang naman tumulong pero
sisiguraduhin kong extra money ito o
kaya sa ibang paraan ako tutulong.
I will be smart this time.
“MAY IBANG PARAAN NAMAN.” self
(Photo from this Link)
Kapag sinabing tulong
hindi naman laging pera.
Kung ako man ay tutulong
pwede naman sa ibang paraan na alam ko.
Sabi nga, teach a man how to fish para
hindi sila laging nakaasa.
Tuturuan ko siya mag-budget,
maghanap ng pagkakakitaan.
Sasamahan ko siya mag garage sale.
Sasabihin ko ang sikreto ko sa pag-iipon.
And speaking of pag-iipon…
“SISIMULAN KONG MAGIPON MULI” self
(Photo from this Link)
Dahil nga ako’y nawalan at siya
ay nangangailangan din ng tulong..
bakit hindi kami sabay magipon?
Oo, nagkaroon kami ng hidwaan
pero masakit naman sa loob kung
mabubuhay akong may galit sa puso.
Best way to handle this?
Sabay na lang kaming aahon.
Sabay kaming magbabago.
Pero paano kaya?
FROM, SELF.
Kung gusto niyo matuto mag-ipon,
hindi masanay na hingi ng hingi,
o pagod na sa kauutang,
o pagpapautang…
Join me on my first seminar this 2018:
#IPONPAMORE: Maging #IPONAryo para Umasenso
January 20/ 1:30- 6pm
4F VMall Victory Center Greenhills, San Juan
P500/ person
4+1 free ticket: P2,000
7+3 free tickets: P3,500
Online seminar: P500
Click here: https://chinkshop.com/
“Welcome 2018! Sana ay hindi na ako maging maawain sa mga taong nangungutang
at bigla na lang nagkaka-AMNESIA.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ito din ba ang gusto mo sabihin sa sarili mo?
- Anong nangyari? Sinong umutang na hindi nagbayad?
- Willing ka bang kalimutan at mag-iipon na lang muli?
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“BUILDING AN APARTMENT THROUGH BANK LOAN ”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/N2NpeQwiv90
=====================================================
DIARY OF A PULUBI
PER PIECE:
P150+100 shipping and handling fee
BULK ORDER PROMO
50% OFF; FREE SHIPPING
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.