Either we are in a relationship or we are not in a
relationship. I think it is both a calling that we choose to listen
by our heart.
May kilala rin ba kayo na noon daw halos ayaw s’yang
ipakilala o ipakaibigan sa lalaki pero ngayon lagi
na s’yang tinatanong kung may boyfriend na daw ba.
O baka na-experienced n’yo na pumunta
sa isang family reunion kung saan lahat ng
pinsan mo ay may boyfriend
or girlfriend maliban sa ‘yo kaya panay
ang tanong kung kailan ka magkakaroon.
Minsan naman, tinatanong ka na kung kailan
ka mag-aasawa kahit wala ka pa namang boyfriend o
girlfriend. Tapos ipapakilala ka kung kani-kanino.
Pero bakit ba may mga taong mas piniling maging single?
MASAYA SA PAGMAMAHAL NG MAGULANG AT KAPATID
Marahil ang iba ay maagang naulila at
kailangan tulungan ang naiwang magulang at ito ang kanilang
goal sa buhay: ang mapasaya ang kanilang magulang.
Ang iba rin naman ay parehong magulang ang nawala
kaya kailangan suportahan ang mga kapatid at ang
mga pangangailangan ng mga ito sa araw-araw.
May mga bagay na hindi natin controlled pero pinipili
na rin natin ang sitwasyon kung nasaan man tayo ngayon
dahil na rin sa pagmamahal natin sa ating pamilya.
Higit pa sa obligasyon natin bilang anak o kapatid,
mas umaapaw ang ating pagmamahal sa kanila na
ang gusto natin ay makita sila na masaya.
Gustuhin man nila na magkaroon din tayo ng ating
sariling pamilya, ngunit sa sarili natin ay sila
ang priority.
Hindi natin kailangan humanap ng ibang taong kukumpleto
ng pagkato natin dahil nariyan ang ating pamilya na
nagbibigay ng inspirasyon at pagmamahal na laging ipinadarama sa atin.
Isa pang dahilan kung bakit okay maging single dahil sa
MASAYA NA SAMAHAN MULA SA MGA PAMANGKIN AT MGA KAIBIGAN
Ang iba naman malaki ang pamilya at masaya
sa pagkakaroon ng mga pamangkin.
Kahit hindi nila ito sariling anak ay close naman sa bawat isa.
Nagiging mas close ang mga magkakapatid dahil
sa mga pamangkin. Makukulit man ang mga pamangkin,
nagbibigay naman sila ng saya at kulay sa buong pamilya.
Nagkakaroon tayo ng purpose to become better titos
and titas para sa ating mga pamangkin at maging
magandang huwaran sa kanila at sa kanilang paglaki.
Nariyan din ang ating mga kaibigan na parang extension
na ng ating pamilya. Yung tipong kulang na lang ay
ampunin na rin sila ng ating sariling mga magulang.
Sila naman yung mga taong lagi nating kasangga at
karamay sa anumang pagsubok na dumating sa ating
buhay. Alam natin na hindi tayo nag-iisa dahil sa kanila.
Ang mga pamangkin at kaibigan natin ang ilan sa mga
dahilan kung bakit masaya kahit single. Alam natin na
hinding-hindi nila tayo iiwan dahil pamilya ang turingan.
At higit sa lahat, masarap maging single dahil
MASAYA ANG PAGSESERBISYO SA IBA AT SA PANGINOON
Iba ang pakiramdam na nakapagbibigay tayo ng
tulong sa ibang tao sa pamamagitan ng pagserbisyo
natin sa kanila at pagtulong natin sa kanila.
Nahanap natin ang purpose natin sa buhay
kaya napaka-fulfilling na magampanan nang tama
at maayos ang pagseserbisyo sa kapwa natin.
Lalo na kung ang calling din natin
ang pagseserbisyo sa Panginoon.
Nanggagaling ang ligaya at wagas
na pagmamahal mula sa ating Panginoon.
Kaya maraming nagmamahal sa atin dahil marami
rin tayong taong minamahal at maraming tao ang
nagbibigay lakas sa atin para gawin ang mabuti.
Hindi man nakalaan para sa isang tao, nakalaan
naman ang puso natin para sa pagmamahal natin
sa ating kapwa at mga taong nakapaligid sa atin.
Kaya kahit single, hindi nararamdaman na nag-iisa
dahil kasama natin ang mga taong nakasuporta sa
atin at ang Panginoon na nagmamahal sa atin.
“Kaya masaya at kuntento kahit single ang isang tao
dahil punong-puno ng pagmamahal ang kanyang puso.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-anong gawain ang mahal mo na nagpapasaya sa ’yo at sa mga taong mahal mo?
- Sinu-sino ang mga taong natulungan mo at handa mong tulungan?
- Handa ka na ba sa calling sa ’yo bilang isang blessed single?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.