Madalas ako matanong online and offline, kung sino ang iboboto ko. Rather than telling you outright kung sino ang personal choice ko, I would rather share with you kung ano ang naging batayan ko sa pagpili ng pinuno.
This blog is in no way meant to change your personal choice sa iyong pinuno, but since we are choosing a leader to lead our country for the next six years, let us ask the question, ano nga ba ang mga qualifications ng mga magagaling na pinuno?
Let???s look at two of the most successful leaders in the Bible.
THE RIGHT HEART / ANG TAMANG PUSO
Unahin muna natin si Haring David, siya yung pumatay kay Goliath.
Psalms 78:72
“And David shepherded them with integrity of heart; with skillful hands he led them.”
I believe that integrity of the heart is the first qualification ng isang pinuno. Ano ba ang tunay na intensyon mo kaya gusto mong mamuno? Para ba tumulong o para manlamang? Para ba maging makapangyarihan o para gamitin ito para sa kapakanan ng iba? Para ba magpayaman o para tulungan ang mamayan na yumaman?
Ang puso ang nagdidikta kung ano ang gagawin sa kanilang buhay, kaya importante na ang taong iyon ay may tamang puso from start to finish. Kasi madalas din na ang tao ay may magandang puso sa simula, pero sa kalaunan, nabubulag at nako-corrupt din ang kanilang puso.
I do believe to become a good leader, they should make decisions that will benefit the majority not the minority.
Hindi dapat makasarili, kundi makatao.
Leaders should make decisions that will improve and enrich the lives of many.
THE RIGHT MIND / ANG TAMANG KARUNUNGAN
Sundan naman natin si Haring Solomon ang pinakamatalinong hari sa balat ng lupa. Noong nabigyan siya ng pagkakataon na mamuno at bigyan ng isang hiling sa Diyos. Ano ang kanyang hiniling? Hindi kayamanan, kapangyarihan kung hindi dunong or wisdom.
1 Kings 3:9
“Please make me wise and teach me the difference between right and wrong. Then I will know how to rule your people. If you don???t, there is no way I could rule this great nation of yours.”
Hindi lang naman tama ang puso pero kulang naman sa kaalaman. Importante din ang kung ano ang nalalaman ng isang pinuno. Kahit maganda ang intensyon, kung mali naman ang diskarte dahil sa walang alam, ay magiging mali pa rin.
THE RIGHT SKILLS / ANG TAMANG GAWA
Mabalik tayo kay Haring David.
Psalms 78:72
“And David shepherded them with integrity of heart; with skillful hands he led them.”
A leader must also have skill, at makikita ito sa kanyang mga ginagawa o nagawa na. Hindi rin naman sapat na maganda ang puso at may kaalaman, pero wala naman ginagawa (walang political will). Hindi lang dapat puro pangako, pero ito ay napapako.
Leaders should make tough decisions no matter how unpopular it maybe.
Ang pagiging pinuno ay hindi isang popularity contest, it is about ano ang tama at dapat gawin.
Bilang pangwakas, kung tayo ay mag papasiya kung sino ang pinuno na ating pipiliin, piliin po sana natin ang isang pinuno ayon sa kung ano ang KAILANGAN at NARARAPAT sa ATING PANAHON.
Tignan natin maiigi at suriin kung ano ba ang kailangan ng ating Inang Bayan at hindi kung sino lang ang feel natin; hindi kung saan tayo makikinabang; hindi kung sino ang popular at pwedeng manalo.
Maging matalino tayo sa ating pagpili!
Huwag na tayong makinig sa mga sabi-sabi, tignan na lang po natin ang kanilang mga nagawa.
Kaya nga may kasabihan, hindi ko pwede husgahan ang isang puno, pero pwede ko husgahan kung ano ang bunga. Kung sinabi mo na ikaw ay isang orange tree at ang tumubo sa iyo ay apple, hindi ka orange, apple ka. Ganoon din, kung sinabi mo ay may nagawa ka na para sa inang bayan, huwag natin tignan kung ano ang kanilang ipinapangako, husgahan mo siya ayon sa kung ano na ang kanilang ginawa o nagawa.
Let us pray for a leader who will have the:
RIGHT HEART / TAMANG PUSO
RIGHT MIND / TAMANG KARUNUNGAN
RIGHT SKILLS / TAMANG GAWA
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.