Valentine’s Day na bukas.
Nag-kalat ang mga couples na mamamasyal at kakain sa restaurant.
Ang iba kakain sa mamahalin, anyway once a year lang naman ito. Ang iba naman ay sa fastfood lang dahil may budget na inilaan.
Kahit saan tayo kakain, ang tanong, “Kapag lumabas ang bill, sino dapat ang magbayad? Si girl or boy? o KKB (Kanya-kanyang Bayad)?”
Ano sa tingin nyo ang sagot sa tanong na ito?
Siguro karamihan sa inyo ang sagot ay si ‘boy’.
Syempre, siya ang lalaki dapat sya ang gumastos.
Pero syempre, case to case basis yan.
May mga pagkakataon na mas may kaya si ‘girl’ kaysa kay ‘boy’ or gusto talaga ni ‘girl’ ilibre si boy.
Ngunit sa palagay ko, hindi na dapat maging issue kung sino man ang taya sa pagbabayad ng gastusin sa date sa araw ng mga puso. Ang mahalaga, both of you are happy at napagkasunduan.
At para maiwasan ang mga awkward moment sa kung sino ang magbabayad, ito ang maaari nating gawin:
HUWAG MAG-ASSUME
Huwag tayong mag-assume na i-lilibre tayo. Mas magandang mapag-usapan na at maging malinaw kung sino ang taya. Much better kung magdadala tayo ng extra cash. Even sa mga mag-asawa kung minsan, ang asawang babae ang nanlilibre, hindi dahil sa gentleman si husband kundi dahil may sarili silang arrangement na okay sa kanila.
Hindi naman mahalaga kung sino ang magbabayad, ang mahalaga e, taos sa puso ang pagbabayad at mayroong pambayad.
HUWAG MAG-YAYA KUNG WALA KANG PANG-DATE
Especially kung ikaw ay lalaki, kung wala ka namang pang-date, huwag nalang mag-yaya. Nakakahiya naman kung magyayaya ka kumain sa mamahaling restaurant sabay yung ka-date mong babae ang pagbabayarin mo.
Paano kung di sya ready? Baka mapahugas pa kayo ng pinggan ng wala sa oras.
MAGTANONG
Huwag mahiyang magtanong. Kung ikaw ay babae at niyaya ka makipag-date, itanong mo kung ililibre ka ba. Kung ikaw naman ay lalake, itanong mo sa ka-date mo kung okay lang sya sa fastfood chain dahil yun lang ang kaya ng budget mo.
“Sino dapat ang mag bayad ng bill? Babae, lalake or KKB?”
-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- May ka-date ka na ba ngayong paparating na valentines day?
- Ready na ba ang budget mo pang-date?
- Ikaw, ano sa palagay mo?
- Lalaki, babae or KKB? Bakit?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.