Ikaw ba yung:
Madalas magparaya para mapagbigyan mo lang ang ibang tao?
Mas madami pang oras na may napapasaya ka kaysa sa sarili mo?
Nasi-stress at nape-pressure ka na ba sa buhay dahil lagi mo iniisip ang sasabihin nila?Kung ‘OO’ ang sagot mo sa halos lahat ng tanong, malamang ikaw ay isang “PEOPLE-PLEASER”.
Ganoon din ako noong ako ay nasa high school. Ako ang utusan ng karamihan ng mga classmate ko. Gagawin ko ang lahat para sila ay matuwa sa akin at matanggap ako sa grupo.
Kaya naiintindihan ko kung bakit may mga taong kailangang magbalat-kayo, yun bang willing gawin ang kahit na ano maski labag na sa kalooban nila just to satisfy other people and make them happy.
Don’t get me wrong, I am not saying na masama ang magpasaya at pagbigyan ang iba. These are actually good traits, PERO, kapag ito’y humahadlang na sa sarili mong kalayaan at kaligayahan dahil inuuna mo lagi ang ibang tao, eh yun ang mali.
Bakit? Ano ba ang negative effects nito sa atin?
1. YOU COMPROMISE
Kapag people-pleaser ka, nawawalan ka na ng free will dahil sa tuwing makakaisip ka ng gusto mong gawin para sana sa sarili mo, you’re always caught in between deciding what you like and what they like.
Kung baga, parati ka nalang nakikipag-negotiate sa feelings mo kung ano ba ang dapat mong sundin, yung sayo ba o sa kanila. Bandang huli, ikaw ang lugi kasi mas pinipili mong bigyan ng importantsya ang magiging reaksyon ng ibang tao.
Halimbawa:
Inaaya ka magshopping ng friends mo pero ayaw mo dahil mauubos ang allowance mo. But because you don’t want to disappoint them at feeling mo baka itakwil ka nila, ikaw naman ‘tong si: “Sige na nga, bahala na”.
2. YOU DO THINGS THAT ARE AGAINST YOUR WILL
Being a people-pleaser will change you into a different person kasi maski feeling mo na ikaw ang tama o maaring hindi maganda ang epekto nito sa’yo, pilit mong babaguhin ang sarili, kilos, at desisyon mo para lang sa kanila.
Doing so will just get you into trouble. Alam mo nang mali, alam mo namang hindi tama, o hindi ka kumportable pero go ka pa din kahit meron ka namang karapatang magpakatotoo.
Kapag ipinagpatuloy mo ito…
3. YOU MIGHT LIVE IN REGRET
Sa paanong paraan?
Since we are not being ourselves, darating ang panahon na baka maging dependent na tayo sa kanila at kayang kaya ka nang manipulahin ng kahit sino na parang mga robot na di-susi. Wala kang sariling boses.
Kaya gustuhin mo man maging totoo na at some point, maaring hindi ka na nila seseryosohin dahil alam naman nilang bibigay ka lang dahil takot ka. Para kang naging preso sa sarili mong pamilya, eskwelahan, o opisina.
So ngayong alam mo na ang magiging epekto nito sa’yo, ano ang kailangan mong gawin?
KNOW YOURSELF
Dapat, more than anybody else, ikaw ang nakakakilala sa sarili mo. Ask yourself:
Ano ba ang gusto kong sabihin?
Ano ba ang gusto kong gawin?
Ano ba yung mga ayaw ko?
These questions will help you choose what to do. Kapag kilala mo kasi ang sarili mo, alam mo na may mga bagay na kailangan mong tanggihan lalo na kapag dumating sa point na feeling mo mababago ka nito.
KNOW WHAT YOU STAND FOR
Ano ba talaga ang gusto mong iparating?
Kung gusto mong tanggapin at kilalanin ka bilang isang taong may isang salita at paninindigan, huwag kang pabago-bago ng isip at magpadala sa sinasabi at kagustuhan ng iba. Don’t let anybody manipulate and shape you to become somebody that you are not.
Sabi ko nga, hindi ka naman robot na di-susi. Gamitin mo ang iyong sariling talino, talento, at diskarte at huwag mo i-suppress ang sarili mo sa kung anong nais mo.
KNOW WHERE TO DRAW YOUR SOURCE OF SECURITY
Our source of security must be from God, not from other people. Wala tayong kailangang pagsikatan at i-please kundi si God lamang na siyang nagbigay sa atin ng lahat ng meron tayo. This is our way of acknowledging and thanking Him for everything that He has done for us.
Only consider the things that will make Him happy, katulad ng having the right attitude and being kind to others. By doing this, you’ll be confident enough to face whatever comes your way ng hindi nagpapanggap.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ay mahilig mag please ng ibang tao? Sa pa-paanong paraan?
Saan ba nagmumula ang iyong security? Sa tao, sa grupo o sa iyong sarili?
Ready ka na ba para maging God-pleaser instead of people-pleaser?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you willing to live a life that pleases God and not men? You can also look through these related articles:
- Stop Becoming A People-Pleaser
- BUHAY NA WAGI SERIES: STOP PLEASING PEOPLE
- BAKIT BA HINDI AKO MAKATANGGI?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.