Maganda na magkaroon tayo ng sarili nating business
at mapalago ito dahil mahirap din naman na habang
buhay tayong empleyado at umaasa sa sweldo.
Magandang investment ang business dahil kapag
nagretiro na rin tayo, makatutulong ito as source of
our income at makatutulong din ito sa ating pamilya.
Kaya mahalaga na pag-isipan nang husto ang
magandang business na maari nating pag-aralan, itayo
at pag-ibayuhin upang lalo pang lumago.
Here are some tips for your plan to have a business.
PAGSAMAHIN ANG PASSION AT IN DEMAND BUSINESS
Syempre top of the list na in demand ay anything related
to food. Simple lang dahil mahilig kumain ang mga Pilipino.
Ilang beses ba kumakain ang mga Pinoy sa isang araw?
Kung passion mo ang arts, lagyan mo ng art ang iyong
cuisine o mga designs sa place ninyo para maiba ang
ambience. Basta be unique pagdating sa business ideas.
Isa pa na in demand ay ang health and wellness, pwedeng|
vitamins or health supplements or organic food. O kaya
gym or place para mabawasan naman ang mga kinain!
O ‘di ba, pagkatapos kumain, exercise naman! Haha! But
kidding aside, marami na ring fitness enthusiasts ang
nagiging mas conscious pa sa kanilang health and diet.
So ilan lang ito sa mga business ideas na maaring nating
simulan at gawing business. Again, make sure na alam
na alam natin ang papasukin nating business.
Once established na ang negosyo,
TRY TO EXPAND YOUR BUSINESS
When I say expand, hindi lang yung literal na magkaroon
ng another shop or another branch. Kailangan din maging
open tayo sa possibilities to look for something related.
Kung may maliit tayong carinderia at naka-focus sa mga
ulam, bakit hindi naman natin subukan na lagyan ng pang-
dessert. O kaya naman mag-cater tayo sa mga offices.
O kaya subukan natin sa isang birthday party. Simulan
muna natin sa simple then unti-unti nating palaguin
o kaya magdagdag tayo na related din sa business natin.
Pwede na rin tayo magpadeliver ng mga products natin
para umabot kahit sa malayong lugar and at the same time,
mas convenient din sa customers natin.
Basta kung mag-e-experiment or magta-trial muna, huwag sabay-
sabay. Take one at a time at araling mabuti. Huwag matakot
matuto ng mga bagong paraan para mas umunlad ang ating business.
While doing everything about the business, make sure to
PASS AND TEACH YOUR BUSINESS PROCESS
Yes. Mahalaga na alam din ng asawa o ng mga anak
natin ang business natin. Kahit paunti-unti maituro natin
sa ating mga anak ang proseso at pagtakbo ng business.
Mahalaga na expose sila dito para pagdating ng tamang
panahon, alam din nila ang pasikot-sikot nito at hindi
sila magsisimula sa kawalan tungkol sa negosyo natin.
Kahit hindi sa mga anak lang natin. Kailangan din alam
ng mga empleyado natin ang value ng business kaya dapat
ma-establish din ang loyalty nila sa atin.
We have to take care of all the people around our business
para sila rin, they will take care of our business. Sa ganitong
paraan, kampante tayo na may kasama tayo sa business.
Hindi tayo nag-iisa sa mga pagsubok na darating dahil alam
nating matibay ang ating pamilya at lahat ng mga taong
nakasuporta sa ating negosyo so always share your blessings.
“It takes a lot of time and effort to create a business,
and it takes a lot of loyal and supportive people to make it a success.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang maaari mong idagdag pa sa negosyo mo?
- Paano mo pinahahalagahan ang mga empleyado mo?
- Sinu-sino ang mga taong tumutulong at sumusuporta sa business mo?
——————————————————————————————–
Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!”
Online course and learn how to build your business from scratch.
Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!
Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here: https://lddy.no/94o6 to reserve your slots.
-More than 20 videos
-Watch it over and over again.
**For a limited time only, you can access ALL 8 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8znd
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.