Summer na naman!
Simula na naman ang #SummerBod.
Ito yung inihahanda natin ang ating mga
katawan para picture ready.
Nabook na ang eroplano? Check!
May napili ng hotel accommodation? Check!
Nakalista na rin ang mga pang OOTD? Check!
Happy for you.
Few days or weeks na lang, gogora na tayo
sa beach at mga dream destination natin.
Pero teka, bago pa tayo maglabas ng pera,
nakabayad na ba tayo sa utang natin?
“Ang KJ mo Chinkee!”
“Oo na! Quiet ka lang!”
“Panira ka ng mood eh”
Hindi naman sa gano’n mga friendships.
Baka lang kasi masimot sarap ang pera natin,
Pag-uwi natin ay mas malaking problema
Dahil hahabulin naman tayo ng mga pinagkautangan natin.
Yung saya na dulot ng bakasyon,
mapapalitan ng kaba at lungkot.
And we don’t want that to happen, right?
So habang naghihintay tayo at nagbibilang
ng mga araw bago ang ating bakasyon,
baka we can use this time para gumawa ng paraan
to earn extra at may maipambayad sa kanila.
Anu-ano ba ang pwede nating gawin?
MAGTINDA MASKI SA LABAS NG BAHAY
(Photo from this link)
Sakto mainit ngayon.
Pwede tayo magtinda ng samalamig,
ice candy, halo-halo.
Pwede rin namang mag ukay-ukay,
mag resell ng libro o ng mga drum lalo na ngayon
madaming naghahanap nito dahil sa krisis sa tubig.
Hindi naman kailangang umupa pa ng pwesto.
Kailangan lang natin ng lamesa
at mga gamit na ibebenta, pwede
na natin itong pagkakitaan.
Kung hindi matao sa lugar,
pwede naman tayong makisuyo
sa ating friends o family na nasa mataong lugar
para mapansin tayo kaagad.
MAG SIDELINE
(Photo from this link)
Tingin tingin tayo sa paligid at panigurado
may makikita tayong naghahanap ng helper,
assistant, secretary, at iba pang part time jobs
na pwede nating pasukin.
Kaysa nasa bahay lang tayo
o nauubos ang oras natin kaka-cellphone
at laro ng mga games, sidelines can make
our day more productive.
Pagod nga lang lalo na sa mga may day job
pero at least unti-unti tayong nakakaipon
para sa nakabitin nating obligasyon.
MAGBENTA NG MGA HINDI NA GINAGAMIT
(Photo from this link)
Lumang cellphone?
Mga damit na hindi na kasya?
Bags at sapatos na hindi na nagagamit?
Pagkakitaan na natin ‘yan
kaysa naka tambak lang diyan.
Yung mga hindi na natin ginagamit
ay magiging useful sa ibang tao.
“Ang hirap. Sayang naman”
“Ayoko nga may sentimental value ito noh”
Sabi nga ni Marie Kondo,
if it doesn’t spark joy anymore, dispose na.
Ayaw lang naman natin bitawan dahil
sa panghihinayang pero kung titignan natin,
hindi naman na talaga tayo napapasaya nito
kaya nga nakatambak na lang ‘di ba?
Kaya LET IT GO.
“Mag-enjoy at mag-ingat sa mga lugar na inyong pupuntahan
pero huwag din kalilimutang bayaran yung mga taong pinagkautangan.”
-Chinkee Tan, FIlipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Saan ang lakad n’yo nitong summer?
- Wala namang pending utang o meron pa pag-uwi?
- Paano mo ito mababayaran?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.