Ikaw ba ay sustentado ni mister o misis?
Sustentado meaning, may isang nagtatrabaho
at pinapadala sa atin ang sweldo?
Pwedeng OFW, pwedeng dito sa Pinas.
O pwede din namang parehas
may trabaho pero mas malaki ang kita nila
kaya halos ang ating pangangailangang pinansyal
ay nanggagaling sa kanila.
Ang sarap ng feeling noh
lalo na kapag ganito karesponsable ang
ating asawa, nanay, tatay, o anak.
Maski kulang ang ating kita
hindi tayo kailangan mamrobelma
dahil tiyak may papasok namang pera
mula sa kanila.
Pero gano’n pa man,
huwag naman sana nating abusuhin
at huwag masyado masanay
dahil…
HINDI ITO UNLI
(Photo from this Link)
Hindi ito parang kanin na
kada hingi, may lalapit o darating.
Ngayon siguro saganang-sagana tayo
pero darating ang time na matitigil din ito.
Tatanda sila.
Magreretiro.
Baka maalis sa trabaho.
Baka magkasakit o kaya
magsara ang kumpanyang pinapasukan.
Ayaw man natin pero
hindi imposibleng mangyari ito.
Kaya naman…
MATUTO MAGTIPID AT MAG-IPON
(Photo from this Link)
Kapag bigay o padala,
Ipunin na kaagad!
Huwag gasta ng gasta na akala’y
parang ngayon lang nakahawak ng pera.
Gala dito, gala doon.
Shopping galore.
Dine out with family and friends tapos
nanlibre pa!
Ay sus, kung hindi natin titipirin at iipunin,
baka dumating yung time na
wala ng matira sa atin at ang worst,
mangyari yung mga bagay na hindi
natin inaasahan — saan tayo kukuha ngayon?
Tandaan, uulitin ko, hindi ito UNLI.
Kaya habang may pumapasok na pera
pagsumikapang itabi at palaguin.
HUWAG MASYADO MAYABANG, FRIEND.
(Photo from this Link)
“Sige lang libre ko na ‘yan, OFW kaya asawa ko!”
“Sky’s the limit, Manager na s’ya ngayon!”
“Hindi naman sa pagmamayabang, 6-digit na sweldo n’yan.”
Sige, yes, sa senaryong ‘yan
parang ang swerte swerte nga natin.
Pero hindi na dapat natin pinangangalandakan at
hindi na natin kailangan i-prove sa iba.
Baka kasi mamaya sa sobrang hangin natin,
either lalapitan tayo ng lalapitan
sa sobrang generous natin na akala mo ay kakandidato
o kaya, mauubos na ang ating savings just
to keep up sa image na gusto natin protektahan
…or parehas pwede mangyari.
Hinay hinay lang.
Temporary lang ang lahat ng iyan.
Let us learn to be humble.
“Kailangan ng bawat isa na maghanap ng pagkakakitaan at magtipid
dahil ang bawat sustento ay may katapusan at hindi UNLIMITED.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay sustentado?
- Paano mo ito pinapangalagaan?
- Willing ka ba makipagtulungan para hindi masayang ang kita?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“KAILAN BA DAPAT MAGPAHIRAM NG PERA”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/oWrnbxkgYbo
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.