Sa panahon ngayon (except sa fishball)
ano na lang ba ang hindi nagmamahal?
Ang presyo ng gasolina, tumaas na naman.
Kasabay nito, nagsitaasan na rin ang mga bilihin –
sa groceries, sa department stores, sa public market.
Ilan lang ito sa madalas nating puntahan araw-araw.
Pero kasabay nito,
kamusta ang sahod natin, mga KaChink?
Tumaas na rin ba tulad ng presyo ng mga bilihin?
O baka naman balik tayo sa dating gawi?
Gastos na naman when we just feel we want to?
Baka nag-fi-feeling mayaman ulit ang pitaka natin
dahil sa 13th month pay, Christmas bonus at incentives?
But looking at our regular and monthly salary,
may improvement ba? Tumaas na rin ba?
Katulad rin ba ng height natin?
O nanatiling bansot ang sahod?
Kung sumasama ang loob natin
sa tuwing nabubuksan ang pitaka
at makita na halos wala nang matira,
ma-alarma na tayo, mga KaChink!
HUWAG NATING PANTAYAN ANG PRESYO NG MERKADO ON THE WAY WE SPEND sweldo
(Photo from this link)
Knowing na bawas man ang tax sa sahod natin buwan-buwan,
hindi naman ibig sabihin nito na tumaas ang sahod natin.
In fact, walang nagbago sa figures.
Maliban lang sa mga totoong na-promote
at tinaasan talaga ang sahod.
Sa katunayan n’yan, the usual amount that we spend
on groceries, department stores at public markets
ay halos pareho pa rin o para sa iba, mas tumaas pa.
Pang-ilang wave na ba ng price hike ang naranasan natin etong taon?
Paano na lang kung dumating sa punto
na hindi pa rin tayo makapag-adjust
on how we spend at sobrang taas na ng bilihin sa merkado?
Hahayaan na lang ba nating mamulubi tayo?
BALIK TAYO SA BASICS NG PAGTITIPID sweldo
(Photo from this link)
Baka pwede nating i-reevaluate
ang gastusin natin this year?
Do we keep track of our savings and expenses on a daily basis?
Is our current salary sufficient to meet our needs?
Let’s remind ourselves again…
Ano ba talaga ang mga needs and wants natin?
Bakit makailang beses na tayo nag-i-impulse buying?
When was the last time we really planned our purchases?
Have we subscribed to the principle of delayed gratification?
Think about these things again.
Mas epektibo pa rin siguro kung gagawa ulit tayo ng listahan ng necessities para hindi natin makaligtaan.
KUNG ANG SAHOD AY KULANG PA, FIND ADDITIONAL WAYS TO EARN MORE sweldo
(Photo from this link)
Sabi nga nila, malayo ang nararating ng taong madiskarte.
I attest to this. I, myself, is a living testimony.
Hindi ko mararating ang current level ng estado ng buhay ko
kung hindi ko siguro i-pi-nush ang sarili
na maging madiskarte, work wise and smart,
at higit sa lahat, ang magpursigi na hindi sumusuko.
Kung ang pinakamamahal na current job natin ngayon
ay hindi na sapat para tapatan ang halaga ng needs natin,
let’s try to look for additional sources of income.
Part-time job that suits our schedule and talent.
Buy and sell na negosyo, o pwede rin, selling online.
Let’s maximize the use of social media.
At kung ano pang paraan na maganda at legal.
Kaysa sa hinahayaan nating tumaas ang halaga ng ating gastos,
pero yung sweldo natin, bansot pa rin.
“Sa panahon ngayon, mga presyo ng bilihin na lang ang tumataas pero yung sahod ko, nabansot na.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Mas malaki ba ang halaga ng nagagastos mo kaysa sa naiipon mo?
- How are you adjusting sa mga gastusin?
- Ano ang pwede mong magawa ngayon na pwedeng i-improve ng pag-manage mo ng pera?
=====================================================
WHAT’S NEW?
BAGONG TAON, BAGONG BUHAY
January 5, 2019 . Saturday
9 PM to 12 Midnight
via Private FB Group Live
(Manila Time)
To register, go to http://bit.ly/2P8kmEMMY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
Also available in BULK ORDERS
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqiCHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Secrets of Chinoypreneurs
To register, go to http://bit.ly/2PCd7XiONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.