Minsan ka na bang nagdasal para sa isang bagay
na matagal mo ng hinihiling?
Halimbawa na lang:
“Mawala na sana ang bisyo ng asawa ko”
“Matapos na sana itong utang ko!”
“Ma-promote na sana ako”
“Gumaling na po sana Mama ko”
Pero ilang araw, linggo, buwan, at
taon na ang lumilipas, wala pa rin!
Nasa same situation pa rin tayo or
kung minsan pa, parang feeling natin lumalala pa!
Minsan ‘di naman natin maiwasang
makaramdam ng galit, tampo, at
minsan puno tayo ng mga katanungan.
“LORD, KAILAN PO?”
“NADIDINIG N’YO PO BA AKO?”
You know what KaChink,
this is where faith in Him comes in.
Our faith is tested pero hindi ibig sabihin
na hindi niya tayo napapakinggan o napapansin.
Dinig na dinig at alam na alam Niya ang
ating mga pangangailangan, yu’n nga lang,
kailangan natin tandaan na…
BAKA HINDI PA TAMANG ORAS tagal
(Photo from this Link)
Lahat ng ating gusto, may timing ‘yan eh.
Gaya na lang sa kung paano tayo
magdesisyon sa sarili natin,
kailangan pag-aralan, pag-isipan,
at timing-an para hindi tayo mapahamak.
Kung ma-promote nga tayo,
malaki nga ang kita, baka naman
mapabayaan na natin ang pamilya
sa sobrang daming trabaho.
Kung hindi pa tayo nabibigyan ng anak
baka kasi hindi pa tayo ready emotionally
o financially para suportahan ang needs ng anak.
Kung hindi pa gumagaling ang ating
mahal sa buhay, baka para i-test ang ating
pasensya at kung hanggang saan ang
kaya nating gawin para sa kanila.
Pray lang tayo para magawa natin
ang gusto Niya ipagawa sa atin ng
buong puso at walang kwestiyon.
Wait lang tayo.
Hindi pa oras.
MAY NAKALAANG MAS MAKABUBUTI SA ATIN tagal
(Photo from this Link)
Minsan yung gusto natin, akala natin
yu’n na ang makabubuti sa atin, pero hindi pa pala.
Because here’s the thing,
we cannot see the BIG PICTURE of our life.
Ang nakikita natin ay
base lang sa current situation natin at
maaaring base rin sa nakaraan.
But that’s it, yung kabuuan,
hindi natin nakikita but God can!
Alam niya kung kailan at saan tayo
mapapabuti. He will lead us to
where we should be basta magtiwala lang tayo sa Kanya.
Si Lord pa ba?
Nako! Maaaring lokohin at linlangin
tayo ng iba, pero He will never do that to us.
With Him, it will always be the BEST choice for us.
Kaya…
HUWAG MAINIP AT MAGREKLAMO tagal
(Photo from this Link)
I understand that we are upset
with what is happening with our lives.
But we should not question nor get impatient.
Huwag tayo:
“Hindi naman ako mahal ni Lord”
“Ayaw naman Niya ako pakinggan”
“Hay ang tagal, samantalang siya, natupad na”
“Ha? Eh mas makasalanan pa ‘yan sa ‘kin ah!”
No, it doesn’t work that way.
Kapag nag-aalala tayo masyado
at idinaan natin sa inis at galit,
para na rin tayong hindi nagtitiwala.
Chill lang tayo.
Naiplano na ni God lahat ‘yan.
When we think we are doing the right thing, okay na yun!
Mag focus na lang tayo sa kung gaano
kaganda ang buhay at kung sino
yung mga taong nagsisilbing lakas at saya natin.
“Baka kaya hindi pa sinasagot ng Panginoon ang ating hiling,
ay baka dahil hindi pa tamang panahon at may ibang plano pa Siyang MAS makabubuti sa atin.”
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano yung matagal mo ng hinihiling sa Panginoon?
- Buo ba ang iyong loob na maghintay at kumapit sa Kanya?
====================================================
WHAT’S NEW?
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
DIGITAL IPON KIT @P299
For more details, click here: http://bit.ly/2MHBzYG
UPCOMING SEMINAR:
“JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now, Asenso Later!” P599- Early Bird Rate
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“NEGOSYO TIPS: HOW TO SUCCEED IN SMALL BUSINESS”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2oMDcGH
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.