Natutukso ka bang mag-buffet, eat-all-you-can, or promo deals lagi?
Na-experience mo na bang kumuha ng sobrang daming pagkain, pero hindi mo naman ito maubos-ubos?
Minsan ba, ang pakiramdam mo ay parang nagtatapon ka lang ng pera at nanghihinayang ka after kumain?
‘Yan ang tinatawag natin na TAKAW-MATA.
Ito ‘yung hindi magandang ugali na bili dito, bili doon. Crave dito, crave doon. Maski hindi maubos, maski wala sa plano – basta makatikim at makakain lang.
Ang pagiging takaw-mata ay hindi lang pwede mangyari sa pagkain. Ganoon din ito sa mga gamit, damit, gadgets, sasakyan, bahay, at marami pang iba. ‘Yun bang tipo na dahil hindi ka nasisiyahan sa kung ano ang meron ka, ninanais mong magkaroon ng higit pa sa pangangailangan mo.
“Bakit, Chinkee? Masama bang kumuha ng maraming pagkain kung gutom ka o bumili ng bago?”
Wala namang masama rito. Ang problema, ay kung hindi nauubos ang pagkain na kinukuha natin o lumalagpas na tayo sa budget.
Paano mo malalaman na takaw-mata ang isang tao?
NO CONTENTMENT
Para sa mga takaw-mata, hindi sapat ang 3 square meals. Hindi rin uso sa kanila ang mga salitang, “busog na ako”. They will just keep on eating and eating at walang pinipiling mood o okasyon.
When this happens, wala na tayong ibang pupuntahan kundi restaurants, groceries, canteens, vendo machines, or cafes just to get what we want at the moment.
At siyempre, sa kada punta natin, maglalabas tayo nang maglalabas ng pera.
BIBILI, PERO HINDI UUBUSIN
Ga-bundok na sa taas ang kinuhang pagkain sa buffet, pero kalahati lang pala ang kayang ubusin.
Marami nang gamit, pero bibili ng bago dahil ito ang uso.
Pinakamalaking size ng kape ang inorder, pero titikim lang naman pala.
I am sure we???ve done these in the past. Aaminin ko, minsan, lalong napaparami ang kuha mo kapag marami ang nakapila.
Hindi mo ba alam na sa bawat pagkain o gamit na tira-tira, may katumbas na perang nasasayang? Kaya, maging conscious na sana tayo. Learn how to get what we can ONLY consume. Kung ‘di tayo sigurado, pause for a bit at baka sakaling lumipas rin ang craving natin.
Naging ugali ko nang hindi bilhin agad ang gusto ko. Instead, I will sit and wait for 30 to 60 days. At ‘pag lumipas na ang panahong ito at nawala na ‘yung nginig ko, ibig sabihin, gusto ko lang ito, pero hindi ko naman talaga kailangan.
Takaw-mata translates to GREED.
Left unchecked, ito ay mauuwi sa pangungutang o panghihiram para lang ma-satisfy lang ang gusto natin.
Gagalawin ang budget na nakalaan para sa ibang bagay, basta makatikim lang ng kung anong ninanais.
I will now end this blog entry by saying…
Walang masama sa pagkain nang bongga, as long as walang masasayang sa kakainin mo. Walang ring masama sa pagbili ng bagong gamit, as long as kailangan mo ito at hindi mo ito uutangin.
Huwag naman dumating sa point na busog nga ang ating tiyan at mata, pero nangangayayat naman ang mga wallet at bank account natin dahil sa walang humpay na pagbili.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw, saan ka nagiging takaw-mata?
Paano mo malalabanan ang craving na ito nang hindi nadidisgrasya ang iyong wallet?
What alternatives can you think of para mas maging praktikal at wais ka?
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.