Nakaramdam ka na ba ng takot sa pagnenegosyo?
Gusto mo pero ayaw mo din at the same time?
Alam n’yo yung kadalasang dahilan
kaya nasasayang ang isang opportunity?
Kasi…
HINDI PA MAN SINUSUBUKAN, UMAAYAW NA!
KaChink, sayang naman yung…
- Idea na matagal na natin naiisip.
- Bakanteng lote na pwede pagtayuan.
- Mga taong pwedeng maging potential customers.
- Opportunity na pwede tayo makilala.
- Talento at panahon.
Bakit nga ba karamihan sa atin
nandiyan na ang pagkakataon, ayaw pa din
sunggaban ito?
Nandiyan kasi yung mga haka-haka na:
“Malulugi lang ako diyan.”
“Ang dami ng nagtitinda ng ganyan.”
“Hindi ko kakayanin.”
“Huli na ako kung ngayon pa lang magsisimula.”
Ano pa nga ba ang mga dahilan?
MAY BAD EXPERIENCE NOON
(Photo from this Link)
Nalugi na noon kaya
ayaw na sumubok uli ngayon.
Natatakot kasi tayo na baka maulit na naman
yung pagkalugi, panloloko sa atin ng mga tauhan,
pagkabaon sa utang, o maling choice sa location
kaya hindi napapansin.
Ang pagbi-business parang pagluluto lang ‘yan,
may tamang formula bago natin makuha
ang timpla to make it work.
Yung mga bad experience natin noon,
ay again, NOON pa.
May pagkakataon tayo ngayon para itama ito.
Isipin natin kung bakit hindi kaya nagwork,
anong mga hindi natutukan ng sa gayon,
ma-correct na natin sa susunod na plano.
HINIHILA PABABA NG IBA
(Photo from this Link)
Kesyo:
Hindi DAW natin kaya.
Wala DAW tayo mapapala.
Utang lang DAW ang kababagsakan.
…at napakarami pang negatibong linya
ng mga bitter ocampo o ampalaya!
Hindi natin maiiwasan ang mga
ganitong komento pero may choice tayong
umiwas at huwag maniwala.
Ang tanging paniwalaan lang natin
ay ating mga sarili at ang ating kakayahan.
Yu’n lang DAPAT sapat na.
WALANG LAKAS NG LOOB
(Photo from this Link)
Dahil sa mga nangyari noong nakaraan,
dahil sa mga sinasabi ng iba,
ayun, napapanghinaan na din tayo ng loob.
Hindi dapat gano’n.
Sabi nga:
Paano natin malalaman, kung hindi natin susubukan?
Iniisip natin kaagad na malulugi…
Eh paano kung kikita pala tayo ng bongga?
Feeling natin, hindi tayo magtatagumpay…
Eh paano kung ito na pala ang big break natin?
Ayaw na natin sumubok kasi ang daming kakumpitensya…
Eh paano kung tayo ang mag stand out?
ChinkPositive lang!
Lakasan ang loob.
Start small and work your way up
para hindi mabigla.
Pag-aralan.
Humingi ng tulong sa mga experto.
Magdasal.
“Normal ang Makaramdam ng Takot pero
Paano natin Malalaman kung Hindi Natin Susubukan?”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong negosyo ang naisip mo?
- Bakit hindi mo magawa?
- Anong gagawin mo para mawala o mabawasan ang takot?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“4 THINKING PATTERNS OF THE RICH”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2JzQKyv
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.