Mga KaChink, matanong kita…
Ano ang mga kinatatakutan mo ngayon?
Heights?
Ma basted?
Magkautang?
Matanggal sa trabaho?
Magnegosyo?
Well, lahat naman tayo ay may kinatatakutan.
Normal ito at hindi naman mali.
Pero minsan sa sobrang takot natin,
hinahayaan na nating kainin tayo nito
at ayaw na rin nating subukan dahil
madami tayong naiisip na hindi maganda.
Pero sabi nga, if we want to conquer something,
we should go for it.
Walang mangyayari kung hindi natin lalabanan.
Wala namang natutong magbisikleta
na hindi sumemplang.
Wala namang nagtagumpay sa negosyo
na hindi nakaranas ng lugi at kasawian.
Wala namang natutong umibig na
hindi na heartbroken.
O kaya wala rin namang natanggap sa trabaho
na hindi na experience na ma-reject ng ibang kumpanya.
Meaning, meron muna tayong kailangang
gawin bago natin malagpasan ito.
At kung ikaw yung taong willing labanan
ang mga takot na iyan, may tips ako para sa ‘yo:
DAPAT WILLING KA MABIGO AT MASAKTAN takot
(Photo from this Link)
Para magtagumpay, dapat buo sa loob natin na
along the way, malaki ang chance na masaktan tayo.
- Naloko ng business partner
- Natanggal sa trabaho
- Nadapa sa kagustuhang magbisikleta
- Nalugi kaya nagsara yung negosyo
Masakit PERO kailangan.
Kung wala kasi yung sakit na iyon,
hindi tayo matututo na maging matapang.
Hindi natin makikita yung lesson behind.
Walang realization tulad ng:
“Ah kaya pala nagkamali ako noon kasi…”
“Ito pala ang ibig sabihin nung failure ko noon”
DAPAT WILLING KA SUMUBOK NG PAULIT-ULIT takot
(Photo from this Link)
No one gets what they want for the first time.
Maaaring tsamba, pero, nothing is perfect agad-agad.
Maski nga yung mga naka 2nd, 3rd, or 4th try,
nabibigo pa rin and I tell you… THAT IS OKAY!
Kailangan natin maranasan ito para
makuha natin yung tamang timpla.
Trial and error ‘yan hanggang sa
masatisfy na tayo sa resulta.
DAPAT WILLING KA MAGPATULONG takot
(Photo from this Link)
We cannot do it alone.
Kahit gaano pa tayo katalino,
meron at meron tayong mga bagay na hindi alam
at ibang tao lang ang makasasagot —
TAMANG TAO na pwedeng tumulong sa atin.
Iwasan natin na masyadong mataas ang pride.
“Sus alam ko na ‘yan!”
“Hindi ko na kailangan ‘yan, dali-dali eh”
“Kaya ko na ‘yan noh!”
We will never learn if we always reject
opinions, criticisms, and suggestions from others.
Kasi yung tingin nating tama, maaaring mali pala.
So always choose to be open para
we can do trial and error as we build
the business or career that we want.
“Wala tayong mararating kung mananaig ang takot sa katawan.
Kung gusto talaga, gagawin ang lahat para ito’y malagpasan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano yung kinakatakot mo ngayon na gusto mo malagpasan?
- Anong mga ginagawa mo para mangyari ito?
- Willing ka ba masaktan, sumubok, at magpatulong?
====================================================
WHAT’S NEW?
MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
Also available in BULK ORDERS
RETIRE AT 50 (ONLINE COURSE) for P799
To order, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
Lifetime Access!
DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ
DIGITAL IPON KIT @P299
For more details, click here: http://bit.ly/2MHBzYG
UPCOMING SEMINAR:
“JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now, Asenso Later!” for P799
Seminar date Sept 28, 2018 via ONLINE STREAMING
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U
=====================================================
NEW VIDEO
“WHERE TO INVEST 100K?”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2Ij6dTm
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.