tamad-itis
Nakabibilib sila at nakahihiya on our part
kasi kung sino pa yung mga taong may
kapansanan at walang wala, sila pa
yung mas masipag kaysa sa atin.
May iba’t ibang klaseng dahilan
kaya tayo ay nagiging tamad.
Anu-ano ito?
NASANAY SA BAHAY TAMAD-ITIS
(Photo from this link)
Karamihan sa atin, nasanay tayo
na may gumagawa ng gawaing bahay.
Nasanay tayo na may nauutusan
mula sa maliliit hanggang sa mga heavy works.
Kung hindi man ang ating mga kasambahay,
yung mga magulang natin ang gumagawa ng lahat
at kumikilos para sa atin.
At since nasanay tayo,
mula bata hanggang pagtanda,
kapag walang nagsabi sa atin o nagturo
na mali iyon, dadalhin na natin ito.
Understandable kung bata, bata ‘yan eh.
Pero nung tayo ay nagkaisip na,
hindi na ito katanggap tanggap
lalo na kapag kaya naman nating kumilos.
May kilala nga ako, ultimo pag apply,
inuutos pa ang resume sa kapatid at
pinapa-submit online! Kakaloka friends. Haha.
WALANG MAGAWA TAMAD-ITIS
(Photo from this link)
Habang walang pasok o
habang wala pang nakikitang trabaho,
tendency is humilata, manuod ng TV,
at mag swipe swipe sa mga gadgets.
Ganon talaga eh.
Bored tayo eh.
Imbis na kumilos at humanap ng gagawin,
naghihintay lang tayong bumagsak ang biyaya sa atin.
Ayaw nating nahihirapan o napapagod.
Ayaw din nating hindi tayo kumportable.
Kaya nakukuha pa nating kumuyakoy
hanggang sa may opportunity na dumating.
WALANG PLANO SA BUHAY TAMAD-ITIS
T(Photo from this link)
Mapa maliit o malaki, wala tayong vision.
Wala tayong initiative na:
“DAPAT…
“Makahanap ako ng trabaho by this month”
“Malinis ko yung kwarto ko today”
“Matapos ko ang gawaing bahay bago mananghalian”
For some reason, hindi natin ito naiisip.
Kuntento na tayo sa kung ano ang
nakikita at nangyayari ngayon sa
buhay at paligid natin.
Ang hindi maganda sa sakit na ito,
lalaki at tatanda na tayong nakaasa.
Hindi natin kaya tumayo sa sarili nating paa.
Kaya kapag dumating ang oras na tayo
ay nagkapamilya na’t lahat, nakatatakot lang
na tuluyan na tayong hindi kumilos para
itaguyod at mangarap para sa pamilya natin.
“Ang taong may sakit na katamaran ay hindi nakabubuti sa buhay nino man.
Dahil habang tayo’y nakahilata at naghihintay lang ng biyaya,
ang mga mahal natin ang sumasalo sa responsibilidad na dapat tayo ang gumagawa.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May kilala ka bang may TAMADITIS? Or ikaw ba mismo ay meron nito?
- Tuwing kailan ka tinatamad at bakit?
- Paano mo mamo-motivate ang sarili mo na kumilos naman para sa sarili mo?
====================================================
WHAT’S NEW?
MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
Also available in BULK ORDERS
BUSINESS IN A BOX: Process before Profit Online Coaching
@4,999 (instead of P9,999)
To register, go to: http://bit.ly/2QgtB6H
FREE 30-day replay
CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Chinoypreneurs
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“GUSTO MO BA MAGPA MENTOR SA AKIN?”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2CXZ4Z4
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
/ims
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.