Sabi nila, people have their own language of love.
We can identify it through:
- Service
- Quality time
- Giving of gifts
- Physical touch
- Words of affirmation
As we engage and get in touch with a lot of personalities,
we also learn how to deal and manage them.
Even on pursuing them, giving what they love best.
May kasabihan pa nga na…
“Makuha mo lang yung kiliti ng tao,
magiging friends for life na kayo.”
I also believe na wala rin itong pinagkaiba
sa pagbibigay halaga sa kabutihan ng marami sa atin.
Pero sa kabila ba nang mga kabutihang nagawa nila,
nakapagpasalamat ba tayo nang taos sa puso
at ng walang pagdadalawang isip?
O tayo yung tipo ng tao na madalas mag-conclude:
“Alam niya naman na nagpapasalamat ako sa kanya ah…
Kahit hindi ko na sabihin yon, oks lang!”
But still, words are better felt when expressed.
ANG SIMPLENG PASASALAMAT AY NAGDUDULOT NG SAYA SA PUSO
Wala naman sigurong bayad kung magpapasalamat tayo
sa kabila ng mga kabutihang nagawa sa atin.
Kakakilala pa lang o kaya ay matagal ng kaibigan pa ‘yan.
Katulad ng pangarap, libre lang din magpasalamat.
Hindi ba’t nakatataba rin ng puso at nakagagaan sa pakiramdam
kung may mga taong nakapagpapasalamat sa kabutihang naibahagi natin?
It brightens our mood when someone takes the time to appreciate what we do.
Minsan nga, hindi natin namamalayan na tulong na pala
yung nagagawa natin kung hindi pa nila ma-a-appreciate.
SAYING “THANK YOU” MEANS A LOT
It’s like a confirmation that what we are doing is right.
Saying a simple “thank you” also humbles a person.
Hindi ba? Everytime na may nakapagpapasalamat sa atin
kahit na yung feeling na parang wala naman tayong contribution,
pero na-appreciate pa rin ng iba yung pinakamaliit nating effort.
It becomes something we carry with value.
It also helps our mental and emotional wellbeing.
This is also one good way of blessing people.
Kaya kung may tao mang nakagawa ng mabuti sa atin, let’s not hesitate to say “thank you”.
Kasi nga, it means “a lot.”
A WAY OF BUILDING SOMEONE’S KINDNESS
Gaya nga ng sabi ko kanina, may mga tao
na hindi aware sa nagagawa nilang kabutihan.
Maybe they were already used to their custom
and often choose not to go the extra mile.
But in our world full of negativity, we still need to receive words of affirmation.
May mga tao na madalas nakatatanggap ng masasakit na salita
instead of words that could build up and encourage them.
Baka yung simpleng pasasalamat natin ay maging daan upang makita nila ang magagandang bagay at kabutihan na meron sa mundo at tao.
“Huwag na huwag kalilimutan magsabi ng “salamat” sa taong nakagawa ng kabutihan para sa atin.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- When was the last time you said “thank you”?
- Napangiti mo ba yung taong sinabihan mo nito?
- How can you pay forward the goodness na nagawa sa ‘yo ng ibang tao?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.