Kung magkakaanak ka, o kung may anak ka na, anong financial lesson ang gusto mong maisabuhay niya hanggang sa pagtanda?
Isa ito sa mga tanong na importante pero hindi gaanong napag-uusapan ng mga couples.
Maging matipid? Matutunang mag-ipon? Mag-invest?
Napakasimple. Pero para ma-adapt ito ng mga chikiting, kailangan itong pagplanuhan nang mabuti.
IT HAS TO START FROM US
Tayo ang unang role model ng mga magiging anak natin. Kung anong gawin natin, maaari nilang gayahin. Sa mga simple o maliliit na gawain o habit natin mauunang matuto ang mga bata.
Kung hindi ka pa kasal sa iyong partner, at kayo’y engaged palang, mabuting i-take advantage ninyo ito para kilalaning mabuti ang money personality ng isa’t isa.
Oo, mabait siya, mapagmahal, maalaga, at mapagpasensya… pero bilang mag-asawa, mahalaga na alam ninyo kung paano humandle ng pera ang inyong magiging asawa. Because money and marriage should always coincide with each other, aminin man natin ito o hindi.
TRUST IS A RESPONSIBILITY
May cliché practice sa pag-aasawa na ang misis ang dapat humawak ng pera. Pero para sa akin, hindi ito applicable sa lahat. Ang pera ni mister, ay pera ni misis din, and vice versa. Kung nakilala ninyo na ang money personality ng bawat isa, alam n’yo na rin kung sino ang mas katiwa-tiwala sa pag-handle ng pera. At kapag ikaw na ang napiling humawak ng finances, that trust should be your responsibility na. Responsibilidad mo nang panindigan ang mabuting pagma-manage nito.
Kapag nagawa nang maayos ang responsibilidad na ito, tiyak ay maa-adapt din ito ng mga anak ninyo. Your child will learn that every trust comes with a big responsibility.
THE FRUITS OF LABOR
Ang madalas ko ngang sabi sa aking mga talks, marriage is like a workshop: the other one works, the other one shops. Haha! Pwede naman eh, as long you have enough money to shop, pwedeng magwork and shop ang bawat isa.
Yes, work and shop. Magtrabaho muna, magtabi muna ng savings, saka gumastos sa ibang bagay gaya ng shopping, travel, at eat out. If we practice this habit consistently, matututo ang mga bata na hindi lahat ng pera ay dapat gastusin sa kung saan-saan.
Let the fruits of your labor grow, and your children will grow with the right mindset, too. Pwede sila i-practice na at saka na lang sila bibilhan ng mga laruan, kapag may nagawa silang mabuti at kapag may sapat na perang pambili lamang si nanay at tatay.
Of course, gugustuhin ninyong ibigay sa inyong anak ang mga bagay na magpapasaya sa kanya pero hindi sa lahat ng oras ay dapat pagbigyan iyon, lalo kung kakapusin ang budget. Kapag nasanay ang anak sa ganitong mindset, tiyak ay matututunan din niyang maging disiplinadong tao pagdating sa mga sarili niyang gastusin someday.
“Kilalaning mabuti ang money personality ng iyong mapapangasawa para kampante ka sa ugaling mamanahin ng inyong magiging chikiting.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- May asawa ka na ba or engaged ka na?
- Ano ang money personality ng iyong asawa o fiancé?
- Paano ninyo hinahandle ang finances as a couple?
Watch: Team Kramer Family Matters With Chinkee and Novee Tan
Allow us to mentor you using these simple guide through our books! Get the Happy Wife Happy Life + FREE Pera ni Mister, Pera ni Misis for only Php400 + 100 shipping fee.
Build a stronger marriage now. Click here: http://bit.ly/2vjgeh7
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.