Naranasan n’yo na ba na pumasok sa opisina
tapos makikita n’yo ang kapitbahay n’yo na nasa
labasan lamang at nagkukwentuhan…
Pag-uwi n’yo makikita n’yo na lang na nandun
pa rin sila at nagkukwentuhan pa rin. Halos buong
magdamag na silang nandun at nag-iinuman pa.
Siguro masasabi n’yo na ano naman ang pakialam
ko ‘di ba? Hindi naman natin buhay yun at buhay
naman nila yun kaya hindi natin problema yun.
Come to think of it, ilang oras din ang
nasayang nila. Minsan sa buhay natin, hindi
natin napansin na maraming oras na rin ang ating nasayang.
Dahil hinahayaan natin ang ibang tao na magkontrol
imbes na tayo. So let me remind you to..
KEEP CONTROL OF YOUR TIM
As I have mentioned a while ago, sometimes we let
others take control of our time instead of us controlling
our own time and use it productively.
Don’t let the social media or the tv take control of your
time. Naranasan mo na rin ba na gumawa ka ng
excuse sa trabaho dahil lang sa isang teleserye?
In that case, you let the tv show take control of your time.
Nasasayang lang ang oras at pagkakataon natin to be
more productive. Imbes na marami na tayong nagawa.
“Grabe naman, Chinkee. Bawal manood?”
“Yun na nga lang ang nagpapa-relax sa ‘kin.”
“Minsan lang naman.”
Hindi ko naman sinasabing bawal na. I am just pointing
out na hindi dapat mas maraming oras na unproductive.
Kailangan mas maraming oras sa mas may kabuluhan.
We should learn to..
INVEST MORE HOURS IN MEANINGFUL STUFF
May kakilala ba kayo na kabisado talaga n’ya lahat ng
characters sa laro at mga skills nila? Pero tanungin mo kung nakapag-review na…
Hindi pa rin pala. Hindi man lang nakagawa ng
assignment or if sa work, hindi pa rin pala nagawa yung
naka-assign sa kanya kaya na-delay yung buong team.
We should take control of our time and we should find ways
to be more disciplined. We need to use our time in a way that
will actually help us to grow and develop our skills and talents.
If you want to grow your money, then you have to learn
how to make it grow. If you want to be good at your
own skills, then you have to learn how to develop them.
In short, we invest our time in things that will make us more educated.
Yung may matututunan tayo at hindi puro tsimis o pagtatalo o puro laro
na lang.
Because we need to..
REMEMBER THAT ANY SECOND WASTED IS GONE FOREVER
Yung 10 segundo mo na nakatitig sa kawalan ay
10 segundo na hindi na maibabalik at wala na. Kaya
ang bawat segundo ay mahalaga sa buhay natin.
We may say “I don’t have money.”
“I don’t have talents.” But we can never say that
“I don’t have time.”
Because we can always find time when we put
aside all the unnecessary things in life. Kaya kapag
may nagsabi na “I don’t have time.”, I’m pretty sure,
it’s an excuse. We would rather say “NO” than make similar excuses.
Life is short, kaya dapat huwag nating sayangin ang ating oras.
Hindi lahat ay maaaring umabot ng 70 years old, kung
umabot man ng ganung edad, maaaring hindi na productive.
So let’s not waste our young and productive years.
“The difference between successful and unsuccessful person
is the time consumed in a more meaningful and engaging reason.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Gaano kahalaga ang oras mo?
- Paano mo pinapalawak ang iyong kaalaman?
- Anu-ano ang mga bagay ang ginagawa mo para maging successful ka?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.