First month ng 2020, kaya magandang magplano nang maaga. Para sa akin, ang pagpaplano ng kasal ang unang “big project” ng mag-asawa. Kaya naman dapat mapag-usapan ito.
Nasa kultura na nating mga Pilipino na lalaki ang talagang naglalabas ng pera para sa kasal. Pero mas maganda na may budget plan sa simula pa lamang at napag-ipunan na ninyong dalawa ang kasal ninyo.
Kaya nandito ang ilan sa mga tips para makatipid sa kasal:
PRIORITIZE AND BOOK AHEAD OF TIME
Unahin ang budget. Mula doon, pag-usapan ang gusto ninyong tema, petsa at oras ng kasal. Kung may theme na kayo ng kasal, dito na rin iikot ang design ng simbahan at venue, invitation pati na rin ang pagkain.
Kapag may napagkasunduan na kayo, pwede na rin kayo mag-ikot-ikot para sa venue. Mas maaga, mas mura dahil kadalasan, kapag last quarter ng taon, tumataas na uli ang bilihin at nagbabago na ang rate.
Hindi naman kailangan magmadali, pero huwag mahiyang magtanong mula sa mga feedback ng ibang tao para malaman kung tama ba na yun ang pipiliin ninyo.
MAKE YOUR OWN INVITATIONS AND ASK FOR HELP
Masaya rin kung kayo na ang gagawa ng sarili ninyong invitation para mas maging personalized. Pero tandaan kung gagawin ito, kailangan ng mahabang oras para dito.
Kaya humingi rin ng tulong mula sa mga kaibigan at kamag-anak. Masaya rin ito dahil magiging bonding ninyo ito at lalabas din ang creativity ninyo.
Mahalaga ang pagkain sa kasal, kaya yun ang isa sa talagang paglalaanan ng budget. Sunod naman,
LIMIT YOUR GUESTS AND CREATE YOUR OWN PLAYLIST
Pwede naman na galing na mismo sa inyo ang playlist na tutugtugin sa kasal para hindi na kumuha ng singer. Pero kung may kakilala din na kumakanta pwede namang mag-request.
Hindi rin naman natin kailangan imbitahan ang buong baranggay. Lol!
Isama natin sa listahan ang talagang nakakausap pa natin for almost a year. O yung mga kaibigan at kamag-anak na talagang malaki ang naging bahagi sa buhay at sa pagsasama ninyo.
Tandaan, hindi lamang kasal ang kailangan paghandaan kundi ang mismong pagsasama ninyong mag-asawa.
“Hindi mali ang magtipid lalo na kung ayaw mong magipit.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang tatlo sa pinakamahalagang paglalaanan ng budget ninyo sa kasal?
- Paano ninyo iba-budget ang inyong pera at oras para sa paghahanda ninyo?
- Sinu-sino ang mga mahahalagang tao na gusto ninyong makasama sa inyong kasal?
Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!” Click here:https://lddy.no/8vdb
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.