Workaholic. Sila yung mga tao
na puro trabaho lang, walang pahingahan.
Social life? Magdamag kasama ang reports, laptop at notepad.
Ang standard 8 hours of work ay panay may extension.
Overtime na kahapon, mag-overtime na naman ngayon.
Ang trabaho na dapat sa opisina lang,
hanggang sa bahay dala-dala.
Madalas kasama pang matulog kaysa sa asawa.
“Kailangan magtrabaho ng mabuti para sa kinabukasan, Chinkee..”
That’s right! I’m proud of you, KaChink!
Pero wait lang, baka naman
napapagod na ng husto ang ating katawan?
May mga pagkakataon na napapabayaan?
Huwag sanang kalimutan…
HEALTH IS WEALTH
(Photo from this Link)
Bukod sa pagpupursigi sa trabaho,
huwag sana nating kalimutan
iprioritize pa rin ang ating kalusugan.
Baka dumating ang araw na magtatrabaho na lang tayo
para may pambili ng gamot at pambayad sa ospital.
Huwag nang hintayin na humantong pa sa ganito, KaChink!
HAVE A HEALTHY AND FRUITFUL LIFESTYLE
(Photo from this Link)
Ang magandang pangangatawan ay
hindi lang nagsisimula sa kinakain,
kundi pati na rin sa istilo ng ating pamumuhay.
Kumakain ba sa tamang oras?
Hindi ba nawawalan ng gulay at prutas sa hapag-kainan?
Nakakatulog ba ng sapat at tama sa oras?
Hindi man big deal ang impact nito sa inaakala ng karamihan,
pero malaki ang contribution sa ating pangangatawan
pati na rin sa pagkokondisyon ng ating isipan.
DON’T OVERTHINK AND WORRY TOO MUCH
(Photo from this Link)
Ayon sa research, one of the common factors of cancer is stress.
Free radicals kung tawagin ang sanhi.
Bakit ba tayo na-stress?
Madalas dahil sa masyadong pag-aalala
kung ano ang mangyayari bukas at sa future ahead.
Kung tayo ay malulubog sa mga pag-iisip
na malayong mangyari, mas prone tayong magkasakit.
Ipasa-Diyos ang lahat at ipagkatiwala sa Kanya.
May kasabihan nga, let’s do our best
and God will do the rest.
“Mahalin natin ang ating trabaho at pinagkakakitaan
pero dapat ay mas mahalin natin ang ating sarili at ating kalusugan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano mo pinapangalagaan ang iyong sarili lately?
- Kailangan mo na bang baguhin ang iyong lifestyle?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“10 DEFINITION OF SUCCESS”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2IV5JTt
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.