Minsan ka na bang tinamad sa trabaho?
Yung parang kinakaladkad ang mga paa
hanggang makarating sa opisina?
Eh sino ba naman ang hindi tatamarin
Una, ang init-init sa labas… 39 degrees!
Hindi na kailangang dumayo ng beach
para magka tan line.
Ikalawa, napaka traffic!
May biru-biruan nga na kapag iniwan
natin ang anak natin na baby pa—
pag-uwi, magugulat ka na lang, kolehiyo na
sa sobrang tagal natin sa kalsada.
Ikatlo, baka makakaharap na naman
natin yung mga kaopisina o
kliyente na ayaw natin kausap
dahil laging galit at iritable.
Kaso mga KaChink,
hindi naman natin mapipigilan ito
kasi paano kung buong taon mainit,
traffic, o kasama sila,
ibig sabihin din ba eh isang taon
din tayo tatamarin at
hindi magtatrabaho ng maayos?
Ano ba ang kadalasang
ginagawa ng mga Juan Tamad
para makaiwas sa trabaho?
CELLPHONE NG CELLPHONE trabaho
(Photo from this Link)
May tinatatype na report, cellphone.
Nasa kalagitnaan ng meeting, cellphone.
Magpe-present na lang, hala cellphone pa rin.
Kung sana ay may kinalaman sa trabaho.
Kaso ang nangyayari,
panay Facebook at Instagram!
Tuloy nawawala na ang concentration.
Imbis na may matapos tayo
nauubos ang oras natin kakatingin,
kaka-like, kaka-swipe, at kaka-comment.
Magagawa naman natin ‘yan during breaks
or habang pauwi, but not during working hours.
NAGPAPATAY NG ORAS trabaho
(Photo from this Link)
Late na nga pumasok,
pag-dating pa, du’n lang mag-aayos,
kakain ng breakfast, magsasapatos,
o magbibihis ng uniporme.
At pag tapos ng routine,
ayun break time na.
Iba pang halimbawa ng pag-uubos ng oras
ay yung:
- Chika minute with officemates
- Frequent visits sa pantry
- Pabalik balik sa photocopy area
- Kunwaring may kausap sa telepono para mukhang busy
- O kaya type type sa keyboard kunwari
Hanggang sa mag ala singko na naman
natapos na naman ang araw na wala tayong nagagawa.
Ang oras ay napakahalaga.
Hindi naman tayo sineswelduhan para
tumunganga.
Tayo ay na-hire para magtrabaho at
tumulong sa pagpapaunlad ng kumpanya.
Kung ganito na rin lang,
ibigay na lang natin slot natin sa iba
at sa bahay na lang humilata.
SICK or EMERGENCY LEAVE ‘KUNO’ trabaho
(Photo from this Link)
“I deserve a break.”
“Pagod na pagod na ako.”
“Hindi naman ako papayagan ‘pag sinabi ko totoo.”
Naiintindihan ko na lahat tayo ay napapagod
at naghahangad ng break.
Pero sana huwag naman maya’t maya.
Huwag din nating sanayin na nagsisinungaling
para lang makatakas sa trabaho.
Magpaalam ng maayos.
Magsabi ng maayos.
Huwag na natin gamitin ang sari-saring excuses
lalo na’t hindi naman totoo.
“I-appreciate natin ang ating Hanapbuhay at ‘wag tatamarin.
Dahil isa ito sa napakahalagang biyaya ng Panginoon para sa atin.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit ka tinatamad magtrabaho?
- Anong mga habit mo kapag tinatamad?
- Paano mo mas mabibigyang halaga ang trabaho?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
IPON KIT (Ipon Can + My Ipon Diary Book)
Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit P300 +100sf
IPON DIARY:
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“HOW MUCH CAPITAL IS NEEDED FOR OFFICE SUPPLIES BUSINESS”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2FLxYRG
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.