Grabe na talaga yung traffic. Kailangan kasama sa
bilang yung oras ng traffic na maaaring mangyari sa
daan. Kaya nakakapanghinayang ang mga oras na ito.
May mga kababayan tayo na papasok sa opisina na tulog
pa ang kanilang anak at ‘pag dating naman nila ay tulog na
ang mga bata. Isipin na lang natin na pansamantala lang ito.
Kaya kahit anong negatibo pa ang maranasan at maisip
natin dahil sa sobrang traffic, subukan nating maghanap at
mag-isip ng mas magandang option para sa ating pamilya.
Una na dito ang
Uso na ngayon ang online selling dahil nga sa sobrang traffic, ang gusto na ng mga tao ay makapag-shopping na lang online at mapadala na sa kanila mismo ang order nila.
ONLINE SELLING/BUSINESS
Sa ganitong business, mahalaga na alam din natin kung
anu-ano yung mga kailangan ng ating customers para
matulungan natin sila sa kanilang mga problema.
Hindi lang basta patok dapat ang target natin, kailangan
may purpose tayo sa pagbuo ng sarili nating online business. Mahalaga na alam natin ang product na binebenta natin.
Mahalaga rin na maganda ang service natin sa ating mga
customers para hindi lamang maging one-time customers natin sila. Dapat may good relationship tayo lalo na sa ating mga suki.
Kung gusto nating tumagal tayo sa ganitong business at
ito ang kukuhanan natin ng full income, dapat may sarili
tayong brand at doon ang focus ng ating online business.
Another job na pwedeng online ay ang
VIRTUAL PROFESSIONAL
Sa ganitong trabaho naman, we offer our own service so
ang ima-market natin ay mismo ang sarili natin. We offer our
expertise and skills to a certain company and work from home.
Kagandahan nito, nagagamit natin ang ating tinapos or
pinag-aralan at the same time, nasa bahay din tayo at hindi
na natin kailangan pang maipit sa traffic.
Pero may responsibilities din kapag naging virtual professional. Kailangan honest and passionate tayo sa work natin dahil we are working from home. Kailangan professional pa rin tayo.
Ang ibang mga companies, may requirement din na kailangan makapag-report sa tamang oras at may performance appraisal pa rin kaya dapat hindi lang tayo petiks sa ginagawa natin.
Dapat may sense of commitment tayo sa ating gagawin dahil kung magrereklamo lang tayo sa work at ayaw din natin ng traffic, eh ano na ang gagawin natin?
Isa pang nauuso na ngayon ay ang
SOCIAL MEDIA INFLUENCER
Ito naman ay mga taong ginagamit ang social media
to create blogs/vlogs to influence other people. Sila yung sikat sa sarili nilang channel.
Hindi rin easy ang maging influencer dahil magiging
public figure ka. Once na public, always a public.
So kailangan, ready ka rin sa ganitong mundo.
May mga bashers, may mga haters, pero part ‘yan
kapag naging social media influencer ka talaga.
So dapat, buo loob mo kapag pinasok mo ito.
May mga certain targets din bago kumita sa social
Media. Hindi ito magic or road to stardom agad-agad.
Kailangan creative para makakuha ng mga followers.
In other words, dapat alam mo rin kung ano ang gagawin
mo sa iyong sariling channel para may focus ka at doon
ka makikilala ng mga tao sa social media.
Sa ganitong business or job, ibang traffic naman ang
kailangan bantayan dito. Hindi na traffic sa daan ang
focus natin kundi traffic or engagement ng mga tao.
“Dati ang traffic sa daan o kalsada lang tinitingnan.
Ngayon pati na rin sa social media, kailangan bantayan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang gusto mong subukan sa mga nabasa mo?
- Sinu-sino ang target customer or target audience mo?
- Anu-ano ang mga kailangan mo para masimulan mo ito?
——————————————————————————————————————
**BE A VIRTUAL PROFESSIONAL FOR ONLY P799** Click here: https://lddy.no/8vd8
Earn a Six Figure Income and Work in a Career You Love, Without Leaving the Comfort of Your Home. Discover the massive opportunities in this NEW shift in the job market. And how you can be the first among an already successful global workforce that’s always in demand.
Register Now! Hurry and don’t miss this out!
-FREE bonus videos!
-Watch it anytime, anywhere!
-Watch it over and over again—ONE YEAR access!
**For a limited time only, you can access ALL 12 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.