Nasubukan n’yo na bang bilangin
ang intake n’yo ng milk tea versus tubig?
Kung nakailang inom na kayo ng milk tea sa isang araw?
Mas lamang ba kaysa sa walong baso ng tubig?
Magkano na naman ang inyong nagastos?
Madalas magtataka tayo kung bakit
parang may mali sa katawan natin,
o ‘di kaya’y kulang na kulang na sa budget.
Yun pala ay mas malaki pa ang nagagastos
sa milk tea compared sa ibang pagkain
dahil nagawa na pa lang tubig ang milk tea! Ha-ha!
But few of the greatest lessons and also reminders
about this milk tea craze are as follows:
MILK TEA IS A CRAVING
Craving means a powerful desire for something.
Like any other food and drinks soothing to our taste,
milk tea is also one of those cravings.
Na kung saan pwede tayong mabuhay kahit wala ito.
Ang iba siguro won’t agree, but try to reminisce
our food and drink choices bago pa man dumating ang milk tea.
Real fruit shakes, smoothies, ice scramble, at maraming pang iba.
Sa murang halaga, solve na rin ang ating cravings dati.
One of the reasons kaya nagiging pang-araw-araw na ang milk tea
is because of the hype of it at ang ating peers.
But the choice remain in ourselves.
Pili lang tayo, milk tea now then pulubi later?
Or no to milk tea then ipon now?
Hindi rin naman biro ang presyo ng milk tea in all fairness.
Kung target nating mag-ipon ngayon,
baka kailangan nating bisitahin ulit ang ating mga gastusin.
TOO MUCH MILK TEA CAN CAUSE HEALTH PROBLEMS
Gaya ng ibang bagay, too much is also bad for our health.
Hindi lang problema sa bulsa ang naidudulot
ng milk tea everyday kundi pati na rin sa ating kalusugan.
Ayon sa research on this link: https://www.lifealth.com/nature-and-health/healthy-drink/side-effects-tea-milk-tea-can-bad-health-dc/78664/
Few of the various side effects ng milk tea can sum up to:
- Bloating
- Nutrient Deficiencies
- Promotes anxiety, stress etc.
- Provokes addiction
- Dehydration
On the other hand, meron din itong magandang naidudulot sa ating kalusugan.
Kaya dapat ay everything in moderation lang.
Hindi rin naman natin gugustuhin na magkasakit tayo
at mapagastos ng malaki sa pagpapagamot.
WATER WILL ALWAYS BE THE BEST
One drink na hinding hindi mawawala sa uso ay ang tubig.
Magandang araw-arawin, inumin oras-oras.
Walang bad side effects, walang worries towards our health.
At higit sa lahat, ito ang pinakamura na drink.
Na kahit sa restaurant ay pwede lang mahingi. Ha-ha!
Water will always be good in cleansing our organs
lalo na kung masyado na tayong naparami sa milk tea o kape.
It hydrates us and washes away our toxins.
This is a necessity and for sure, we can never live long without water.
“Tandaan na hindi kasama sa Basic Needs ang Milk Tea. Please lang ‘wag itong gawing tubig.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Nakakailang baso ka ng milk tea sa isang araw?
- Minsan ba ay hindi ka na nakakain ng regular meal dahil feeling bloated ka na sa milk tea?
- Paano mababawasan ang intake mo ng milk tea?
—————————————————————-
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.