Meron ka bang bisyo o luho
Na hirap na hirap kang hindian?
Yosi, inom, sugal,
Shopping, fine dining
O pa kape-kape?
Kahit anong pikit mata eh
para bang may magnet na
hinahatak tayo kahit anong pigil?
“Ayaw lumayo ng tukso sa akin”
“Anong gagawin ko eh nakakalat ang temptation”
Dahil nagpapadala tayo…
Dahil hindi tayo marunong umiwas…
Pera tuloy natin ang nadidisgrasya.
Nagtataka ka din ba kung bakit?
Iyan, iyan ang pangunahing dahilan.
Yung kawalan natin ng kontrol sa sarili.
Inaakala nating ang temptation ang may kasalanan
Pero ang totoo, tayo ang may pananagutan
kapag hindi tayo marunong talikuran ito.
So ano ang dapat natin gawin?
KUNG WALANG BUDGET, IPIKIT ANG MGA MATA
(Photo from this Link)
Bakit tayo magpapatukso kung
wala naman talaga tayong datung para dito?
Huwag natin ipilit my friend.
Porket ba 3 days lang ang sale
eh kailangan natin i-grab ito?
Porket ba “up to 70% off” ang announcement
required tayong kunin ang pagkakataon?
Porket ba sinabi ng mga kaibigan na “travel tayo”
G na kaagad? G as in Go?
Hindi ganon.
Dalawang simpleng tanong lang:
Merong budget?
O wala?
Kung wala….
LEARN TO SAY NO!
(Photo from this Link)
“Ano ba yan Chinkee ulit-ulit na lang”
Eh kasi tayo, sinabi na noon, ayaw pa din!
May kakulitan tayo sa katawan.
Kaya dapat ulit-ulitin hanggang sa
ma-train ang ating isip at galaw.
Kung ayain ka ng mga kumpare,
“Pasensya na ‘pre, wala akong budget”
Kung hatakin ng mga kaibigan
“Pass muna ako ah. Sakto lang eh”
Pag humindi, hindi ibig sabihin na K.J tayo,
wais lang at marunong magpakatotoo.
Hindi natin ito kawalan.
KUNG GUSTO… PAG-IPUNAN
(Photo from this Link)
Kung talaga namang gustong-gusto
Kahit ano pa yan, mapa:
- Bag
- Sapatos
- New cellphone
- New restaurant that you want to try…
Sige lang basta may pera para dito.
Kaya naman pag-ipunan yan eh
Unti-unti hanggang sa mabuo.
Huwag tayong umutang o huwag galawin ang ipon
para lang makamit agad dahil
mas lalo lang tayong mababaon.
“Tayo ay may Kakayahang umiwas sa mga Luho at Bisyo.
In other words, tayo dapat ang lalayo sa mga tukso!
Hindi pwedeng ang tukso ang lalayo sa atin.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong luho o bisyo ang hindi mo mahindian?
- Paano mo ito lalabanan?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off + 15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“BUDDIES AND HUBBIES AS BUSINESS PARTNERS”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2nt57uu
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ https://chinkshop.com/pages/moneykit
=====================================================
UPCOMING SEMINAR
“Happy Wife, Happy Life”
Registration: P950 per couple
Early Bird Rate: P750 per couple
March 10, 2018/ Victory Greenhills San Juan
A Seminar Featuring Chinkee and Nove-Ann Tan and Julius and Tintin Babao
“To Build Stronger Marriages One Couple At A Time.”
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.