Ikaw ba ay nanliligaw o umiibig na ngayon?
Kaklase? Kaopisina? Nakilala sa handaan? Kapitbahay?
Naks! Luma-love life na!
Sarap umibig noh?
Nakakikilig.
Nakakamotivate.
Pero, ikaw ba ay handang handa na?
“Oo, mahal ko na siya talaga.”
“YES! Siya na ang aking #forever.”
Good for you.
Pero I’m not talking about emotions lang ah.
Kasama na din dito ang laman ng ating bulsa.
Tayo ba ay may pang gastos na o
nakaasa lang tayo sa kanila o sa iba?
“OA ka naman, ligaw pa lang eh.”
“Ang advance mo naman masyado Chinkee.”
Uy hindi ah.
Once na napili na natin yung girl
na gusto natin ligawan, siyempre,
we all want it to progress—
From courting stage, in a relationship,
then marriage.
Sino ba naman ang gustong
hanggang ligaw lang ‘di ba?
Paano natin ito maa-achieve
para naman ma-prove natin sa kanila
na tayo ay karapat-dapat?
MATUTONG MAGSUMIKAP umibig
(Photo from this Link)
Anong mapapala nila sa atin
kung tayo ay tatamad tamad?
Kuntento ng nakahiga, naglalaro ng video games,
tulog-kain lang, at parang walang plano sa buhay.
“May trabaho naman ako.”
This is not an issue kung may trabaho o wala.
Point here is kung may ginagawa ba tayong
hakbang para umunlad ang buhay?
Baka kasi mamaya kuntento na lang tayo
sa kung ano meron at hindi na
tayo nangangarap.
Kung ang buhay natin ay hindi natin mapagsumikapan
eh paano naman sila? Paano tayo?
HUWAG MAGING PALAASA umibig
(Photo from this Link)
- Nakadikit kay Nanay at Tatay.
- Hinihingi ang pamasahe at pang kain sa kapatid.
- Kapag kinapos, uutang, makasurvive lang.
Aba iho, hindi maganda ito.
Ibig ba sabihin nito
bubuhayin natin ang ating
asawa at pamilya sa hingi, hiram, at asa?
Paano kung wala ng taong aalalay
at sasalo sa atin?
Eh di wala na, nga nga na lang tayo gano’n?
When we are planning to build a life with someone
dapat kaya natin sila panagutan.
Yun bang kaya natin sila itaguyod
mula sa sarili nating efforts.
Strive hard.
Have goals for the love of your life.
Lagi natin isipin kung paano natin
sila mabibigyan ng magandang kinabukasan.
KUNG HINDI PA READY, HUWAG IPILIT umibig
Alam n’yo yung sinabi ko noon na
Love is not enough?
Totoo ito.
Hindi pwedeng love ang ipapakain,
ipapang-aral, ipangbabayad sa bills,
o ipangde-date natin sa kanila.
Ipon ipon muna.
Take some time to prepare
for the life that we want with someone.
Because if not, we might just lose them
along the way.
Magiging ugat lang kasi ng away
kapag hindi sila mapanindigan
at maalagaan.
- Lagi napuputulan ng tubig.
- Hinahabol parati ng mga naniningil.
- Pilipit at namumutla na sa gutom.
- Gipit na gipit
…ito ba ang gusto natin mangyari?
I believe not.
So more than the emotions,
be financially ready too.
“Tsaka na manligaw kung wala pa kahit pambili ng lugaw.
Tsaka na umibig, ‘pag may pambayad na tayo ng tubig.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay umiibig na ngayon?
- Napaghandaan mo na ba hindi lang ang emosyon pero pati ang bulsa?
- Paano mo siya maaalagaan at mapapanindigan?
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“TOP 8 WORST MONEY MISTAKES”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2G2P16b
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.