May mga tao bang nakasakit sayo?
Napatawad mo na ba sila?
O hinihintay mo pang manghingi sila ng tawad sa kung ano man ang nagawa sayo?
Hindi mo na maiiwasan na masasaktan tayo ng ibang tao, estranghero man sila o mahal natin sa buhay, sinasadya man o hindi. At normal din na maghintay tayo muna ng, “I am sorry,” bago tayo mag release ng kapatawaran.
Pero may sikreto akong ibubunyag.
Gusto mo bang malaman ang sikreto ng mga taong may peace of mind at hindi nawawala ang kagalakan sa puso? Ano ito?
Ang matutong MAGPATAWAD even without receiving an apology from the person who offended them.
“Chinkee, para namang sinabi mo na magpa-api na lang ako.”
Trust me, that’s not what I mean. Ang pagpapatawad kasi is one great act para ma-release natin ang ating sarili from the bondage that many of us don’t realize — which is unforgiveness. To forgive others is one of the best things that anyone can do. And come to think of it, sino ba ang nahihirapan kung hindi ka magpatawad? Yung taong nakasakit ba sayo or ikaw na punong puno ng galit?
“Oo na, Chinkee, may point ka. Pero paano ko gagawin? Saan ako magsisimula? Ang hirap!”
Start by . . .
BEING GRATEFUL
Ano man ang maging karanasan mo, magpasalamat ka dahil lahat ng karanasan mo–positibo man o hindi–ay makakatulong sa personal growth mo.
Kung may nakasakit sayo, patawarin mo then thank God for the opportunity to learn a lesson even from unexpected circumstances.
Then continue by . . .
BEING POSITIVE
Tandaan mo na ang mga galit or grudges ay lason kaya huwag mo silang hayaan na mananahan sa iyong puso.
Magkaroon ka ng positibong pananaw na kahit ano pa man ang nangyari sayo, hindi mo hahayaang nakawin ng kahit na sino o kahit anong karanasan ang kaligayahan mo.
BEING FORGIVING
Remember, ang pagpapatawad ay isang paraan upang hindi mo hayaang maapektuhan ng kung ano ang nangyari sa past mo ang katatayuan mo sa hinaharap. Hindi ibig sabihin na kaya ka nakapagpatawad ay dahil hinayaan mong maging biktima ka. Ang ibig lang sabihin ng pagpapatawad mo ay hindi mo hahayaang maging biktima ka sa kasalanan ng unforgiveness.
THINK. REFLECT. APPLY.
Forgive. Even if, “I’m sorry,” is not yet said. Because forgiveness is the act only you can do to free yourself from the bondage of unforgiveness.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article interest you? Check on these related articles on forgiveness:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.