“WALA AKONG MAGAGAWA”
Naramdaman mo na ba ito? Grabe, ginawa ko na ang lahat na magagawa ko pero wala pa rin nangyayari.
Lahat ng diskarte nagawa ko, kulang na lang tumulay ng alambre, kumain ng bubog at magpalagare ng katawan para kumita ng pera, pero wala pa rin!
Ang feeling mo na trap ka! Para bang laging dead-end! It came to a point na ayaw mo nang gumawa ng paraan; ayaw mo nang mag-exert man lang ng effort. Isinuko mo yung bandila mo.
Umayaw ka na sa laban ng buhay kasi sa totoo lang nawawalan ka nang PAG-ASA!
Kapag ganito na ang mindset mo, maniwala ka, mabilis bumigay at umaayaw sa lahat ng ginagawa mo. Ang hirap kasi gumalaw sa buhay kung wala ka nang pag-asa. For these type of people, kapag sarado na ang pintuan, wala na silang pakialam kahit bukas na bukas pa ang bintana. Ang tingin nila sa lahat ng lost ay cause na ito, at ang parating mindset ay, “anyway kahit ano naman gawin ko, wala naman mangyayari.”
Kapag ang mindset natin ay laging wala na kong magagawa, talagang wala ka ng magagawa. Kaya nga may kasabihan na mahirap buhayin ang mga zombie. They are what we call as the living dead. Buhay sila pero wala naman kabuhay-buhay. Buhay sila pero mga patay. Paano nangyari yon? Patay na ang mga pangarap; patay na ang mga pag-asa; patay na ang kanilang kinabukasan.
Kung gusto mong makalabas sa ganitong klaseng pag-iisip. Kailangan natin magbago ng pananaw. Madalas kong sabihin, ang pera pwedeng maubos, ang oras pwedeng lumipas, ang sama ng loob ay pwedeng maghilom. Pwedeng mawala na ang lahat huwag lang naman sana dumating sa point na nawawalan na ng pag-asa.
Ang pag-asa ay: Nagdudugtong ng bahay; nagbibigay ng lakas ng loob; nagbubunga ng excitement; nagbibigay ng kapangyarihan na labanan ang lahat ng nararamdaman para malabanan ang kahirapan sa buhay.
Kung gusto mo nang lumaban sa hirap ng buhay.
Bakit hindi mo bisitahin ang link na ito at panoorin ang video na ito https://bit.ly/1wOrPI6
===================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this series? You can check out other related posts here:
- How Positivity Can Change Our Lives
- 5 CHOICES TO MAKE TO LIVE A POSITIVE LIFE
- NEVER TALK NEGATIVE, ALWAYS TALK POSITIVE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.