Marami na akong mga nakausap at nakasalamuhang mga negosyante at karamihan sa kanila ay napaka-successful. Malamang ay marami na kayong narinig o nabasang mga tips galing sa kanila – mga anong dapat gawin para maging successful.
Para maiba naman, tiningnan ko at pinag-aralan ang mga bagay na HINDI nila ginagawa at sa hindi paggawa ng mga ito, ay umunlad lalo ang kani-kanilang mga negosyo.
Gusto ko lang i-share ang mga ito:
HINDI SILA NAG-AAKSAYA NG ENERGY at ORAS
Halimbawa na lamang ang traffic. Kung ikaw ay magagalit sa mga drivers na walang disiplina, mawawala ba ang traffic? Alam naman nating kahit anong galit natin sa traffic na ‘yan ay wala talaga tayong magagawa dahil mukhang out of control ‘yan. Sa halip na mag-apoy ka sa galit, bakit hindi ka na lang magbasa ng news? O mga business books para mas mapalawak mo ang kaalaman mo sa business, ‘di ba?
Time is gold ika nga. Kung may chance lang tayo na tingnan ang calendar for the day ng isa sa mga pinakamayaman at successful na businessman sa buong mundo siguradong walang nakalagay dun na “Netflix binge watching schedule”.
Dahil na ang bawat segundo ng isang successful na negosyante ay maaaring i-translate into sales, hindi nila kayang mag-aksaya ng oras sa mga bagay na walang kwenta.
HINDI SILA SUMUSUKO NANG BASTA BASTA
Nakabasa ka na ba ng success story ng isang negosyante? Malamang naibahagi niya ang mga panahong muntik na siyang mag give up pero hindi niya ginawa. Walang successful na negosyante ang nag give up dahil kung ginawa niya yun, hindi siya naging successful to begin with.
HINDI NILA PINI-PLEASE LAHAT NG TAO at HINDI SILA GUMAGAWA NG PAREHONG PAGKAKAMALI
Alam ng isang successful na negosyante na “you cannot please everybody”. Kung may ayaw sa business niya o kaya nagsasabi ng hindi magagandang komento, pinapa-alalahanan niya ang kanyang sarili na isa iyon sa mga taong hindi niya na-please at hindi mapi-please. Hindi pupwedeng babaguhin mo na lang ang mga bagay-bagay para lang ma-please ang lahat dahil hinding hindi mangyayari iyon.
Isa sa pinaka-importanteng bagay para sa mga successful na negosyante ay ang pagkatuto sa mga maling nagawa. Sa halip na maulit ito, natuto sila mula rito at ginagamit ang mga natutunan para mas mapabuti ang negosyo.
Kaya tandaan,
“Ang negosyo ay isang paglakbay ng walang katapusang pagkatuto. ”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Bakit kaya importante na matuto tayo mula sa mga successful na mga negosyante?
- Higit pa sa mga tips o payo nila, bakit mabuti ring matuto sa mga bagay na hindi nila ginagawa?
- Anong mga bagay ang natutunan mo at ina-apply sa iyong negosyo na galing sa mga successful na negosyante na hinahangaan mo?
Watch my YouTube video:
Paano Umunlad Sa Negosyo? Tips Mula sa Bilyonaryo Part h3. Click here https://youtu.be/Xd64gI_RG3s
Join “ONLINE NEGOSYANTE: Paano Kumita Gamit ang Social Media” and learn how you can earn a lot of money and be successful using Social Media
Click here to register: https://lddy.no/9au0
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.