“Aray naman Chinkee. Natamaan ako.”
“Parang sumisigaw ka na eh.”
Hahaha!
Feeling guilty ba? Paano kung sabihin ko sa ’yo na
hindi naman ito ang purpose ko para isulat ang
blog na ito?
Madalas kasi kailangan natin ng wake-up
call. Kasi minsan kahit alam natin, ‘di pa rin natin
ginagawa. We have to be constantly reminded.
So ano ba ang kailangan nating i-remind sa sarili
natin araw-araw?
STAY CONSISTENT
“Consistent naman ako, Chinkee.”
“Consistent ako sa pangungutang.” Lol!
Naku kung lagi na lang tayo mangungutang, magpapatong-
patong na ang mga ito. Kailangan nating bayaran ito para
maging utang-free na rin tayo.
“Hay Chinkee. Sino ba naman ang ayaw makawala sa utang?
Syempre gusto ko naman talagang magbayad. Kaso wala
talaga eh. Kulang talaga ang pera namin.”
Kung gusto may paraan, kung ayaw may ano?
Alam kong alam n’yo rin naman ang sagot.
Possible solutions sa utang ay maghanap ng extra income,
magbenta ng ibang gamit o ari-arian, offer service or
trade. Maliban dito ay kailangan din to
STAY FOCUS
Hindi yung naka-focus tayo sa susunod na uutangin natin.
Instead, focus tayo sa goal natin na bayaran ang mga
utang. Unahin ang mga may malalaking interest kasi
habang tumatagal, lumalaki ito.
Kung iniisip ninyo na gusto n’yong mag-ipon at gusto
n’yo ring magbayad, pwede naman ito. Pero kung talagang
mataas ang interest ng utang, unahin muna talaga
ang pagbayad ng mga utang.
Imagine, gusto mo magtabi ng 500 kada buwan, pero may
utang ka pa ng 10,000 at may interest ito 8%, so may 800
na dagdag sa babayaran kada buwan.
Mas malaki pa yung interest kaysa sa maitatabi, kaya pag
ganito, unahin na muna ang pagbabayad kahit paunti-
unti. Huwag na nating antayin na sobrang laki na.
Ipaliwanag din sa asawa o sa pamilya ang totoong estado
ng iyong pinansyal para alam ng mga pamilya mo at
makakapagtulungan kayo.
Kailangan ito dahil you have to
STAY DISCIPLINED
Hindi rin pwede yung “next month na lang.”
Tapos sasabihin sa sarili natin: “Promise next month.”
Pero hanggang ilang next month na ang sinasabi natin
sa ating sarili. Hindi dapat natin hayaang maging habit
ang pangangako sa sarili na parang ganun na lang.
We have to discipline our own self. At the end, tayo
rin naman ang magbe-benefit or magsa-suffer sa mga
actions natin. So doon na tayo sa maganda ‘di ba?
Alisin ang mga bisyo, iwasan ang pagiging impulsive
buyer, alisin ang inggit sa katawan at higit sa lahat ay
matutong mag budget ng pera.
Huwag masanay sa kaisipan na may darating na pera
kaya pwedeng umutang na uli. Kahit ano bilhin na lang
kasi may pera naman, hanggang sa huli wala na namang
natira na pambayad sa utang at hindi na naman
nabawasan ang ating mga bayarin.
“Iwasan na ang pag-iisip na ang utang ay ang solusyon,
dahil hindi mo na namamalayan na ikaw ay nababaon.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sinu-sino ang mga pinagkakautangan mo?
- Anu-ano ang mga resources mo para mabayaran ito?
- Kailan ang target mo para maging utang free ka?
—————————————————————————–
Introducing my latest book: “MY UTANG DIARY: Maging Utang Free para sa Buhay na Stress-Free!” Kung sawa ka na sa utang at gusto mo na makalabas dito, grab your copy now for only P190+100 Shipping Fee. Click here now: http://bit.ly/2kifovQ
And for a limited time only, I will give you another NEW book that my wife and I wrote called: Pera ni Mister, Pera ni Misis also for FREE!
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.