Saan napupunta ang sweldo o allowance mo?
Sa bulsa? Sa wallet lang?
As in, sa wallet mo lang? Hindi sa bangko?
Yikes! Baka hindi magtagal ang pondo mo niyan.
Bakit? It’s because we all own a magic wallet – whatever you put inside your wallet, it disappears like magic. LOL!
Nakakatawa, pero kung iisipin mo, may katotohanan din naman ito.
Bakit nga ba may mga taong naglalagay lang ng maraming pera sa loob ng kanilang bulsa o wallet?
TO HAVE A SENSE OF SECURITY
Some people draw their security kapag may pera silang hawak at nakikita.
Pero ‘di rin maiiwasan, there’s the feeling of insecurity and fear kapag dahan-dahan nang nauubos ang hawak na pera.
TO AVOID INCONVENIENCE
At least, hindi na hassle pumunta sa banko o sa ATM. Hindi na kailangan mapagod sa kakahanap ng ATM o pumila at makipagsiksikan para lang ma-withdraw ang pera nila.
FEAR OF BANK RUN
Some people choose not to put their money in a bank dahil sa takot o haka-hakang pinaniniwalaan nila tungkol dito.
“Paano kung magsara ang bangko?”
“Paano kung hindi ko na ma-withdraw ang pera ko sa bangko?”
“Ang dami nang na-scam sa ATM, paano kung mabiktima rin ako?”
In reality, my friend, we can think of all excuses in this world para tayo lang ang magtago ng pera natin. But at the end of the day, we need to understand that putting our money in the bank is one of the most practical safest and best ways to save money.
Safe paglagakan ng pera ang mga bangko, lalo na kung ang pipiliin mo ay isang kumpanyang matatag ang history at reputasyon. Bukod pa diyan, protektado ng PDIC ang halagang aabot sa P500,000 na naka-deposit sa bangko.
Isa pang advantage sa pag-open ng bank account is developing a SAVING HABIT.
Kung hindi tayo matututong mag-ipon now, we will never learn how to save later.
Kung hindi tayo magsisimulang magpundar ng maliliit na halaga, what more kung mas malaki ang kinikita natin?
Paalala lang po, saving is a habit.
I think the best benefit of opening a bank account is to help instill DISCIPLINE in us when it comes to handling our money.
If we do not have internal discipline, we need to fix the the external aspect. In other words, pahirapan natin ang ating sarili na mag-withdraw or bawasan ang pera natin. Because the more money we have in our possession, the more we tend to spend.
If you want to know how to save money fast, opening a bank account can help you get there.
Kung mapapansin mo, ang daming advantages kung tayo ay mag-oopen ng bank account.
So, ano pa ang hinihintay mo? Kung gusto nating yumaman at guminhawa ang buhay, matuto tayong mag-umpisa sa maliit dahil ito ay lalaki rin naman later on. When you save money, you actually live better.
THINK. REFLECT. APPLY.
Bakit wala kang bank account?
Anong worries mo about this?
Are you ready to be protected, disciplined, and controlled through this?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.