Madalas ka bang naghihinayang sa maraming bagay.
Gaya na lamang ng…
nag-break sa boyfriend o girlfriend…
hindi naging top sa klase…Bakit nga ba tayo nanghihinayang?
Isang reason ay dahil sa ating …
MALAKING EFFORT
In-ACCOMMODATE mo ng bonggang bongga yung inquiries ng prospective buyer tapos malalaman mo nalang later na sa iba siya bumili.
Ang malaking katanungan na gumugulo sa iyong isipan ay, “Saan ba ako nagkulang o nagkamali?”
Isa pang factor ay …
MATAGAL KANG NAGHINTAY
ISANG DEKADA mong hinintay ang karelasyon mo para pakasalan ka kasi madami pa daw siyang pangarap para sa sarili, mga magulang at kapatid niya. Tapos after ng napakahabang prusisyon e iba pala ang isasama niya sa pagtuloy sa simbahan.
Another cause of our disappointment ay ang mga …
MALAKING CHALLENGES
Akala mo pagkatapos ng lahat ng paghihirap ay magiging okay na ang lahat. Yun pala PANIBAGO na namang challenge ang dadating sa iyo. Pagod na pagod ka na.
Pero let me tell you this: WALANG SAYANG SA BUHAY.
Bakit?
Here are the following reasons:
GOD IS IN CONTROL
We don’t have the FULL control over our lives. We are all UNDER God’s sovereignty. Nabubuhay tayo dahil lamang sa Kanyang grace.
Kung hindi mo napangasawa yung first boyfriend o girlfriend mo, huwag kang manghinayang. Madami na akong kakilala na LUBOS ang pagpapasalamat kay Lord ng dahil sa naghintay sila at nagtiwala sa plan ng Diyos, nakilala pa nila yung best person na nilaan para sa kanila.
GOD’S WILL IS PERFECT
Diba sabi sa Lord’s prayer, “Our Father in heaven, hallowed be Your name, Your kingdom come, YOUR WILL BE DONE …” Ibig sabihin nun, kung ano ang kalooban ni Lord, yun dapat ang MASUSUNOD.
Nasayangan ka dahil hindi ka umabot sa bus na hinahabol mo at baka ma-late ka na. Tapos nabalitaan mo yung bus na yun na gusto mong sakyan ay NAAKSIDENTE.
Akala mo hindi umaayon sa’yo si Lord dahil male-late ka. You will eventually realize that HIS WILL IS PERFECT.
GOD’S TIMING IS THE BEST
Sadyang MAINIPIN lang tayo. Gusto natin parati at ora mismo na nasa harap na natin ang kasagutan na NAAAYON sa ating kagustuhan.
Pero nakakalimutan natin, wala naman sa vocabulary ni Lord ang salitang “LATE“. Sa ating mga tao lang uso yun.
Kaya tayo atat e hindi dahil late Siya, masyado lang tayo NAPAAGA. God is ALWAYS ON TIME and “He has made everything beautiful in His time”.
Lagi mong tatandaan na walang sayang sa buhay as long as you did your BEST. When you have already done your part, chill ka na and allow God to do His job. Trust God’s timing.
And always “trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways acknowledge Him, and He will make your paths straight”.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang pinanghihinayangan mo sa buhay?
Bakit ka nanghihinayang?
Ano ang pinanghahawakan mo para hindi ka na tuluyan na manghinayang?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check these other related articles on overcoming challenges:
- Why God Gives Us Challenges
- 5 TIPS TO FINISH STRONG THIS YEAR
- ARE YOU LIVING IN FEAR?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.