WALKING DEBT
“Tawag sa Tao na Baon sa Utang
at nag-aala Zombie tuwing Singilan.”
MAY KAKILALA BA KAYONG MGA WALKING DEBT?
Sila ba ang mga zombies sa palabas na Walking Dead?
Malapit na, pero actually hindi sila mga zombies.
Dahil hindi naman sila nangangagat at nakakahawa
pero para silang mga zombies na walang magawa
kundi magtrabaho, sumahod at magbayad ng utang.
Ni hindi pa nga sumasayad ang sweldo sa palad,
nauuwi na sa pagbabayad sa mga taong pinagkaka-utangan.
Alam n’yo ba na napakahirap maging isang WALKING DEBT?
Yung parating kapos at hindi alam kung
saan manggagaling ang mga pambayad sa mga pangangailangan.
Parati na lang umiiwas sa mga nangongolekta dahil walang pambayad.
Nagkakaroon ng selective memory dahil
pilit kinakalimutan ang mga taong pinagkakautangan.
Walang gustong maging isang WALKING DEBT.
Paano ba maiiwasan na maging isang Walking Debt?
ILISTA ANG LAHAT NG MGA UTANG
(Photo from this Link)
Hindi natin mababayaran ang ating utang kung
hindi natin alam kung magkano talaga ang utang.
Ni hindi natin alam kung magkano ang dapat nating habulin.
HARAPIN ANG MGA TAONG NAUTANGAN
(Photo from this Link)
‘Wag umiwas.
Walang mangyayari kung iwas na lang nang iwas.
‘Di natin maaayos ang problema kung hindi ito haharapin.
GUMAWA NG PARAAN PARA MAKABAYAD
(Photo from this Link)
Maghanap ng solusyon kung paano makababayad.
Pwedeng mag garage sale o ibenta muna ang mga gamit
na may halaga o ‘di kaya, gamitin muna
ang papasok na bonus mo sa taong ito.
UNTI-UNTING MAGBAYAD AT HUWAG HIHINTO HANGGANG SA MAKABAYAD NG BUO
(Photo from this Link)
I believe na ito ang isa sa
pinakamahalaga sa lahat para makalabas sa utang.
Yung consistent tayo maghulog.
Hindi natin gagawing
one time big time ang pagbayad,
sa halip ay pa patak-patak.
“Magbayad ng tama at tapat sa mga Inutangan. Huwag maging Walking Debt na parang Aswang.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw ba ay may utang?
- Gusto mo rin bang makawala at hindi mapasama sa mga WALKING DEBT.
=====================================================
CHINKEE TAN UPDATE:
BOOKS
IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR
Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon
DIARY OF A PULUBI
Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w
Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off +2 FREE P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z
=====================================================
NEW VIDEO ON YOUTUBE
“ESTABLISHING A PIGGERY BUSINESS”
Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/7_DDzlxwl1E
=====================================================
MONEYKIT
1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.