Sino ang nagpapatakbo ng buhay mo ngayon? WAZE
Ang magulang ba? Kaibigan?
O nagsasarili ka pagdating sa pagdedesisyon?
Hindi n’yo ba napapansin na
kapag nakaasa tayo sa sarili at iba,
parang may nangyayaring hindi maganda?
Yung akala nating tamang advice,
pero kalaunan, hindi pala. O kaya may
biglang may mangyayaring mali o
hindi maganda.
Why?
BECAUSE WE TRUST OURSELVES
AND OTHERS TOO MUCH!
(Capital letters ‘yan for emphasis. Hahaha)
We let others control our lives and
dictate kung ano ang dapat gawin
when in fact, dapat si Lord ang una nating
tinatanong:
“Lord, ano po ba ang gusto N’yong mangyari?”
“Kayo na po sana ang bahala sa akin”
“Your will be done Lord”
Eh since kinakalimutan natin Siya,
nalilihis tayo ng direksyon.
Parang yung feeling na naka waze tayo
tapos biglang nawalan ng signal
hanggang sa naligaw na tayo.
Ganon ang effect without Him.
Sino-sino ba yung mga taong
dapat iwasan para hindi maligaw?
MGA WALANG MALASAKIT WAZE
(Photo from this link)
Mga kaibigan na hinahayaan ang
isa na umuwi nang lasing na lasing.
Sila yung kahit mapahamak tayo
wala silang pakialam basta
magawa natin yung gusto nilang mangyari.
Yung mga kaibigang lalapit lang
kapag may kailangan sila.
Kapag nakuha na, “HU U” tayo bigla sa kanila.
Ito yung mga taong ililihis tayo ng direksyon.
kasi imbis na mapabuti, sila pa mismo
yung magdadala sa atin sa kapahamakan.
“Wala na kasi akong ibang friends”
“Sila lang yung nakakasama ko talaga”
Nako, ‘di bale ng kaunti ang kaibigan
kung ganyan na rin lang ang makakasama natin.
At panigurado, sa dami ng tao sa mundo
at nakakahalubilo natin sa araw araw,
may makikita tayong grupo na maganda
ang kalooban at hangarin sa bawat isa.
MGA TSISMOSA WAZE
(Photo from this link)
Alam n’yo yung hindi naman natin
ugali ang mangtsismis, pero once na
may nakapag kwento sa atin ng ‘shocking’,
nagkakaro’n tayo ng interest maski
hindi natin alam ang ugat ng storya.
Ending, tayo mismo, nagiging tsismosa na rin.
“Ay oo nga, napansin ko rin yun”
“Ah talaga? Nako, kwento ko nga kay Bes ‘yan”
Kapag nagpatuloy tayong mainvolve sa ganito,
malilihis tayo sa kung ano ang tama.
Yung dating nasa direksyon tayo na
very positive at mabait sa lahat,
unti-unting nalalason ang ating mga isipan.
Hanggang sa maging katulad na nila tayo.
MGA NEGATRONS WAZE
(Photo from this link)
Lahat tayo ay may pangarap sa sarili.
Meron tayong tinatawag na ‘vision’.
“In 5 years, magtatayo na ako ng grocery”
“Next year, ipupush ko na ma-promote ako”
“Kaunti na lang magiging negosyante na ako”
Okay ‘di ba? May direksyon.
Pero hindi natin maiiwasan na
biglang may mga sisingit na ‘obstacle’.
Itong mga obstacle na ito, sila yung mga taong
hihilahin tayo pababa, huwag lang
matupad yung mga pangarap natin.
“5 years?? Taas mo mangarap ah, mga 10 pa ‘yan
“Promote? Haha okay ka lang?”
“Hello! Negosyo? Eh ni hindi ka nga makaipon!”
Kapag sila ang nagpatakbo ng buhay mo,
ang tendency, makikinig tayo sa kanila
imbis na magtiwala tayo sa sarili natin.
Yang mga negatron na ‘yan, dapat natin tandaan
Na NEVER silang magiging masaya para sa iba
kaya gagawa at gagawa ng paraan ‘yan.
Huwag makikinig.
Huwag sila susundin.
Lumapit sa mga taong may malasakit
at yung alam nating tutulungan tayong
mag improve on what we do at magiging
inspirasyon natin to reach for that goal.
“Kapag ibang tao ang nagpatakbo at nagdesisyon,
para na rin tayong Waze na walang signal kaya walang direksyon.
Kapag may katanungan, sa Panginoon tayo tumakbo,
dahil sa Kanya, lahat sigurado.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino ang waze ng buhay mo? Magulang? Kaibigan?
- Si Lord ba kasama sa option mo?
- How will you seek Him more at all times?
====================================================
WHAT’S NEW?
MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
Also available in BULK ORDERS
BUSINESS IN A BOX: Process before Profit Online Coaching
@4,999 (instead of P9,999)
To register, go to: http://bit.ly/2QgtB6H
FREE 30-day replay
CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
Chinoypreneur
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!
=====================================================
NEW VIDEO
“GUSTO MO BA MAGPA MENTOR SA AKIN?”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2CXZ4Z4
=====================================================
CHINKEE TAN SHOP
Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit
Other products: chinkshop.com
/ims
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.