Do you know people who come to the office only to get a paycheck?
Sila yung busy-busyhan kunwari pero mahuhuli mo na lagi naman Youtube o Facebook ang tinitingnan sa mismong office computer nila. Akala mo kaya nag-o-overtime ay dahil sa sadyang madami ang workload, yun pala ay natambakan lang dahil inunang gawin yung mga less important and oftentimes non-work related things.
Inuubos ang working hours sa mga bagay na hindi naman related sa work. Pero sumusweldo ng buo. Take note, may O.T. pay pa siya!
Or do you know people in your office who just love to talk about others?
Tipong before work, nangangalap ng chismis sa pantry. Tapos during working hours ay mangangapitbahay sa desk ng isang kachikahan at ichi-chismis ang latest news na nakuha mula sa iba.
Para bang may portion siya ng “Chika Minute” sa opisina pero ibang level ang kanya dahil chika every minute of the day. Basta chika, hindi niya tatantanan!
Or do you know people who often make unnecessary requests?
Kahit hindi mo work, ipapasa sa iyo.
Ikaw na lang parati ang favorite na nakikita at ang favorite line niya ay,
“Can you do me a favor?”
“Ikaw lang ang maasahan ko dito, please help naman.”
Nasobrahan ba sa delegation skills at kahit out of your job scope ay i-uutos pa din sa’yo.
Kung may mga tao kayong kilala na tulad ng mga nabanggit ko, I’m sure na inis na inis na kayo sa mga gawain nila.
How can you deal with these kinds of people in your workplace? The BEST way to handle them is you should . . .
BE ASSERTIVE
Learn how to express your feelings and ideas in the proper manner.
Lahat naman ay nadadaan sa magandang usapan. Kailangan lang din talaga that we have the RIGHT MOTIVE when dealing with annoying people. Kahit pa sobrang nakakainis na ang isang tao, let???s not aim to just simply attack the person.
When we have the right motive, susunod na din ang RIGHT TONE when we speak with them. Kahit kasi tama ang content ng ating sinasabi pero naka high pitch naman tayo, the situation will just get worse.
And along with these two things is the RIGHT CHOICE OF WORDS. Kailangan din natin mag-ingat sa mga gagamiting mga salita para maging maayos ang pakikipag-usap at hindi ito mag-cause ng mas malalim pa na problema.
If we are assertive in dealing with annoying people, we will achieve the following good effects:
REDUCED STRESS
When you know how to express yourself and how to assert your ideas and rights, mas makakabawas ng stress, dahil ito ay na-re-release mo ng maayos. Mahirap mag-kimkim ng sama ng loob habang nagta-trabaho.
REDUCED ANGER
Kung kakausapin mo ng masinsinan ang iyong ka-opisina na maging maingat sa mga ikinikwento niya, eventually ay mawawala na ang mga nagagalit sa pagiging chismosa niya.
REDUCED FRUSTRATION
Kung kakausapin mo ang iyong boss ng mahinanon na ang ipinapagawa niya sa’yo is already out of your job scope, hindi ka na mafru-frustrate na pilitin alamin at tapusin ang trabaho na dapat siya naman ang gumagawa.
Huwag lang tayo basta manahimik sa harap ng mga annoying people at halos saksakin na sila sa ating mga kaisipan. Just be assertive in dealing with them, madadaan naman ang lahat sa maayos na usapan.
Learning how to assert your intentions and ideas can be very liberating.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kung may kinaiinisan ka sa opisina, ano ang ginawa mo para maalis ang pagka-inis mo sa kanya?
Naging effective ba ito?
Kung hindi, ano pa ang ibang paraan na pwede mong gawin para maalis na ng tuluyan ang pagka-inis mo sa kanya?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? Check on these related posts:
- Ano Ang Gagawin Mo Kung Unappreciated Ka Sa Family O Sa Workplace Mo?
- Bakit Mahalaga ang Puso sa Ating Ginagawa?
- 5 Important Life Skills You Need In Order To Succeed At Anything
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.