When loving and accepting a person, meron ka bang hinahanap na standards sa kanya bago mo ito gawin?
Ibinibigay mo lang ba ang respeto mo sa isang tao kapag nirerespeto ka rin niya?
“Ay, ‘buti na lang at hindi kami magkasama. ‘Di kami magkasundo niyan.”
“Ayokong kausapin ‘yan. Mamaya, uutangan lang ako niyan.”
“Hindi naman niya ako binati, eh hindi ko rin siya babatiin.”
Aminin man natin o hindi, we judge before we accept the person.
Actually, I am writing this blog for myself because I am also guilty as charged for this.
Ganyan talaga tayo. Lagi na lang may mga kondisyon, demands, o dapat ma-satisfy ka muna bago mo ibigay ang iyong pagmamahal.
But it’s not the case for kids???
Ang mga bata kasi, hindi maramot sa pagmamahal at respeto.
Kada uuwi ka sa bahay, sobrang excited pa rin sila at tatakbo’t yayakap sa iyo na parang walang nangyari – kahit napagalitan mo siya kaninang umaga.
Basta makagaanan nila ng loob or found even the slightest common interest as them, friends na sila kaagad – no if???s, no but???s.
WHY?
BECAUSE THEY LOVE, HONOR, & RESPECT PEOPLE UNCONDITIONALLY.
Kahit ano pa ang tingin natin sa ating kapwa, pero para sa mata ng mga bata, lahat ay pantay-pantay at walang masamang tinapay.
Nag-away sila ng kalaro nila kahapon. Pero bukas, bati na sila ulit at maglalaro uli na parang walang nangyari.
Ang mga bata ay hindi mapanghusga, hindi sila nagtatanim ng sama ng loob, mabilis silang makalimot, marunong magmahal na walang hinihinging sukli, marunong gumalang sa mga nakakatanda, at marunong kumilala sa mga taong nagmamahal sa kanila.
‘Yan ang dapat nating matutunan at matularan sa mga bata.
It will be nice if we could be like kids who can accept everyone wholeheartedly – regardless of color, size, status in life, capabilities, and weaknesses.
Kung ang Diyos nga tanggap tayo kahit lagi tayong nagkakasala, tayo pa kaya?
Remember this: Kapag dumating ang oras na matukso tayong manlait, tingnan ng mababa ang iba, magtanim ng sama ng loob, o di kaya???y limitahan ang sarili natin sa pagmamahal at respeto na dapat ibigay natin ng buong-buo, think about this…
Mark 12:31
31 “The second is this: Love your neighbor as yourself. There is no commandment greater than these.”
Love your neighbor. Period. Walang pero-pero, walang ibang dahilan???
THINK. REFLECT. APPLY.
Pagdating ba sa pagmamahal at respeto, lagi ka bang may kondisyon?
Paano mo gagayahin ang mga bata pagdating sa ganitong mga bagay?
Are you willing to love your neighbor unconditionally?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Check on these related posts on what children can teach us:
- What Kids Can Teach Us About Commitment
- What Kids Can Teach Us About Shyness
- What Kids Can Teach Us About Being Honest
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.