Nakaka-isang taon na sa panunungkulan ang ating pangulo.
May mga pumupuri at may mga tumutuligsa.
May mga positive at meron din mga negatibong feedback.
Wala namang perfect na pinuno, asahan mo na hindi lahat ng gagawin niya ay tama. Alam naman natin sa sobrang daming ng dapat gawin ay hindi ito maayos agad. Kung siya man ay nagkamali, tingnan natin kung ito ay intentional or circumstantial.
(Photo from this Link)
This is one lesson I learned in life, madaling mamuna ng iba pero napakabagal nating punahin ang ating sarili.
- Kung pinupuna natin na hindi maayos ng presidente ang peace and order, tayo ba ay nag-re-report ng krimen kung meron tayo nakita?
- Kung nag-re-reklamo tayo sa corruption, tayo ba mismo ay nag-lalagay?
- Kung tayo ang naiinis na marumi ang ating paligid dahil walang street sweepers,tayo ba ay nagtatapon din ng basura kahit saan?
- Kung tayo ay nagrereklamo na sa traffic, tayo ba mismo ay sumusunod sa batas trapiko at sumusunod sa tamang sakayan at babaan.
Oo, isang taon na ang nakaraan, manalangin tayo na darating panahon na uunlad din ang ating bayan. These are my prayers…
(Photo from this Link)
Sana matamasa na natin ang peace and order.
Sana matanggal na ang korupsyon.
Sana maging maayos na ang sistema ng serbisiyo publiko.
Sana maging reliable na ang public transport system.
Sana gumanda na ang usad ng trapiko.
Tunay na nagmamahal ang lahat ng mga Pilipino sa inang bayan.
I am very hopeful that I will see progress in my lifetime.
“Napakabilis mamuna ng pagkakamali ng iba, pero napakahirap punahin ang ating sarili.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ikaw, ano ang gagawin mong mga pagbabago kung ikaw ang pangulo ng bansa?
- Share your thoughts with me para matuto naman ako sa inyo.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.