Ang sarap sigurong isipin yung idea ng retirement.
Nag-tanong-tanong ako sa mga tao ko kung ano ang pangarap nilang gawin, once they retire.
Ito ang kanilang mga sagot…
Mag-business.
Mag-travel.
Mag-missions.
Alam mo ba ang lahat ng mga nasabi diyan ay kailangan ng pera?
Alam mo ba kung magkano ang kailangan mong maipon?
May natatabi ka na ba para sa mga pangarap mong ito?
Kung wala pa, bakit?
Kung naumpisahan mo na, ang tanong, “Sapat na ba?”
I think this is an issue that we need to address habang maaga pa.
Kaysa sasabihin natin sa ating sarili later on, and with regrets na, “Sana maaga-aga ko pa ito ginawa!”
Ayokong mauwi tayo sa pagsisisi, mga kapatid.
Gusto ko lahat tayo ay mag-enjoy kapag tayo ay nag-retire.
Ayaw ko yung magkaka-problema tayo sa pera once huminto na tayo sa pagta-trabaho.
Retirement should be a time to rest, to enjoy, do what you love to do, and be generously rewarded.
In other words, ito yung panahon ng pag-aani ng ating mga napundar at napaghirapan. Hindi ito ang panahon ng problema, stress, pasakit at kahirapan. Ito yung panahon ng kasiyahan, kapayapaan at kaligayahan.
“RETIREMENT should be a time to REST without room for STRESS.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ang iyong planong gawin kung ikaw ay mag-retire?
Pinaghahandaan mo na ba ang plano na iyan?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.